• Home
  • Fresh Scoops
  • Andrea Brillantes at Francine Diaz, idiniin na nagtutulungan sila at di nagkikipag kompetensiya

Andrea Brillantes at Francine Diaz, idiniin na nagtutulungan sila at di nagkikipag kompetensiya

Kapwa bida sa ‘Kadenang Ginto’ sina Andrea Brillantes at Francine Diaz.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/12/2019 1:05 PM
Andrea Brillantes at Francine Diaz, idiniin na nagtutulungan sila at di nagkikipag kompetensiya


Sabay na pumirma ng kontrata sa Kapamilya network ang rising stars na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz na kapwa bida sa hit afternoon series na Kadenang Ginto.

Sa panayam ng PUSH at piling miyembro ng entertainment press matapos ang contract signing, masayang ibinahagi nina Andrea at Francine ang kanilang nararamdaman sa tiwalang ibinigay sa kanila ng ABS-CBN.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happening Now: Gold Squad Kyle Echarri, Francine Diaz, Andrea Brillantes, and Seth Fedelin, sign contract with ABS-CBN.

A post shared by Push (@pushalerts) on

“Excited po ako na kinikilig and kinakabahan, kasi first time ko po. Sobrang saya ko po kasi ang first time ko po na pag pirma dito sa ABS-CBN kasama ko pa po ang squad ko (Francine hugging Andrea),” masayang bungad ni Francine.

Si Andrea naman aminadong kabado pa din sa tuwing may panibagong blessing na tatanggapin.

“Sobrang kinakabahan ako hindi ko po alam kung bakit. Ito po ‘yung second time ko na nag contract signing. Noong una 10 years old ako, sobrang saya ko lang, hindi ako kinabahan ang carefree ko lang. Tapos ngayon, hindi ko alam kung bakit ako kinabahan,” aniya.

At dahil magksama sa isang proyekto, hindi din nakikita ni Francine at Andrea ang bigat sa trabaho na kanilang ginagawa sa Kadenang Ginto.

“Masaya po, kasi una nagkaroon po ako ng bagong friend,” ani Francine.

“Masaya din, kasi halos magka-ka age Lang naman kaming lahat, sobrang saya kasi parang hindi siya work masyado, parang nag-lalaro lang kami,” sabi pa ni Andrea.

At dahil bakbakan ang kanilang hatid tuwing hapon, ramdam din ni Andrea at Francine ang bangayan ng kanilang mga fans sa social media. 

“Siyempre ayaw namin na nag-a-away sila, kasi kami po (ni Francine) sobrang friends naman po kami, kaming lahat maayos kaya ayaw namin na mag away sila kasi walang point,” paliwanag ni Andrea.

“More on love po sana,” ani Francine.

“Kasi kami pong apat, (Gold squad) sobrang okay kami, kaya sana sa mga supporters po namin, sana okay din sila,” patuloy pa ni Francine.

Sa parehong panayam din, tinuldukan agad ni Francine at Andrea ang issue na namumuong kompetisyon sa kanilang dalawa.

“Wala po,” sabay na tugon ni Francine at Andrea.

“Mas nagtutulungan po kaming apat,” pahayag ni Andrea.

Sa ngayon, patuloy na mapapanuod ang si Francine at Andrea tuwing hapon sa Kadenang Ginto.