• Home
  • Fresh Scoops
  • Loisa Andalio at Ronnie Alonte, walang isyu kung paghihiwalayin para sa magkaibang proyekto

Loisa Andalio at Ronnie Alonte, walang isyu kung paghihiwalayin para sa magkaibang proyekto

Ipinaliwanag ng real life couple na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte kung bakit hindi ‘big deal’ ang paghiwalayin sila para sa magkaibang proyekto.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/11/2019 11:51 AM
Loisa Andalio at Ronnie Alonte, walang isyu kung paghihiwalayin para sa magkaibang proyekto


Photo credit: @iamandalioloisa/ @hashtag_r2a on Instagram

Walang isyu para sa tambalang LoiNie kung paghihiwalayin sila para sa magkaibang proyekto. Sa kanilang interview sa PUSH at Cinema One, ipinaliwanag ng real-life couple na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang dahilan nang pagiging bukas nila sa kahit anong proyekto.

"Kami naman ni Ronnie, hindi pa kami magka-love team e boyfriend ko na siya. So parang hindi naman 'yon big deal sa amin," ani Loisa Andalio na una nang gumawa ng sariling digital series sa iWant nang hindi katambal si Ronnie. 

"Kasi parang - ano ba pinunta namin ‘di ba? Pumasok naman kami sa industriya ng pag-aartista nang sarili lang namin ang dala-dala namin. Para sa trabaho, trabaho lang kami. Focus kami sa work namin. Kapag naka-ipon, edi mas magandang pagsasamahan, mas malalim na pagsasamahan pa," paliwanag naman ni Ronnie. 

Kasalukuyang nagte-taping ang dalawa para sa kanilang bagong pelikula, kasama si Donny Pangilinan, na James and Pat and Dave

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

•you were made to be mine 🤪 Thank you for watching It’s Showtime! 💜

A post shared by Loisa (@iamandalioloisa) on

READ: Loisa Andalio, handa na nga ba makasama si Ronnie Alonte sa kanyang future?

READ: Loisa Andalio on her relationship with Ronnie Alonte: ‘Hindi kami showbiz bilang mag-jowa’

Sa parehong interview din ay parehas na inamin nina Loisa at Ronnie na hindi na sila tinatablan ng online bashing. Ayon kay Ronnie, natatawa na lang siya kapag may nakikita siyang negatibong komento sa love team nila ni Loisa. 

"Dati kasi parang kapag baguhan ka pa lang na artista, siguro masasaktan ka talaga e, kasi hindi ka pa sanay sa mga ganong binabato sa ‘yo ng mga tao na hindi mo naman kilala, o hindi ka naman kilala para husgahan ka ng ganon

"Ngayon, mas naintindihan na namin na kilala kami - wala na kaming magagawa kung anong kilusin namin - kumbaga kung gusto talaga nilang husgahan kami, gagawin nila yon," paliwanag naman ni Loisa na proud na ibinida ang mas matibay na relasyon nila ngayon ni Ronnie. 

Para sa dalawa, malaki ang tulong at pasasalamat nila sa mga patuloy na sumusuporta sa kanilang tambalan. 

Mapapanood pa rin ang original iWant series na Past, Present, Perfect? na pinagbibidahan ni Loisa, kasama sina Shaina Magdayao at Vin Abrenica.