Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, spotted sa Palawan

Ito marahil ang unang pagkikita ni John Lloyd at Bea matapos mag-leave of absence sa showbiz ang aktor.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/11/2019 10:00 PM
Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, spotted sa Palawan


Hot topic ngayon sa social media ang ang kumakalat na larawan ng dating magka-love team na sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz sa Palawan.

Kuha ang larawan ni Virfe Fabul sa Baroutan Church sa El Nido, Palawan kasama ang isang fan na nagpa-picture sa Kapamilya stars. 

Matatandaan na kamakailan lang, nagbakasyon sa Palawan si Bea kasama ang malalapit na kaibigan.

READ: LOOK: Bea Alonzo shows off fit physique in Palawan

Ito marahil ang muling pagkikita ni JL at Bea matapos silang dumalo sa kasal ng stylist na si Rex Atienza noong 2017 sa Paris. 

LOOK: Bea Alonzo, John Lloyd Cruz and Ellen Adarna spotted together in Paris

Huling nagsama si John Lloyd at Bea sa isa sa highest grossing Filipino movie na “A Second Chance” noong 2015.

Sa ngayon, hindi pa din malinaw kung kailan tuluyan na magbabalik ang aktor sa showbiz matapos niyang mag-file ng indefinite leave of absence sa Kapamilya network noong 2017.