• Home
  • Fresh Scoops
  • Vickie Rushton, dismayado sa sariling performance sa Binibining Pilipinas

Vickie Rushton, dismayado sa sariling performance sa Binibining Pilipinas

Malaki ang panghihinayang ni Vickie Rushton sa pinalagpas niyang pagkakataon sa Question and Answer portion.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/10/2019 9:20 AM
Vickie Rushton, dismayado sa sariling performance sa Binibining Pilipinas


Photo credit: @binibiningPilipinas IG

Aminado si Vickie Marie Rushton ng Negros Occidental na malaki ang kanyang panghihinayang sa naging performance niya sa katatapos lang na 2019 Binibining Pilipinas.

Isa ang actress-beauty queen sa early favorites sa 2019 batch of candidates at isa din sa humakot ng special awards sa coronation night. 

READ: Gazini Ganados itinanghal na Miss Universe Philippines 2019

Pangalawang beses na ni Vickie  ang pagsali niya sa pageant ngayong taon. Last year, nanalo siya bilang first runner-up at nasungkit naman ni Catriona Gray ang Miss Universe Philippines title. 

Kaya naman, ganun na lang din ang kanyang naging disappointment matapos niyang hindi masagot ng diretso ang naging tanong sa kanya ni Daniel Padilla na, “Why is mental health as important as physical health?”

Sa panayam ng PUSH at ABS-CBN News kay Vickie sa backstage inamin niya na nanghinayang siya sa kanyang second shot at the crown.

“Nasasayangan ako kasi I know na, kung ano ang sasabihin ko, pero may nag-distract sa akin sa audience doon ako nawala,” sabi pa niya sa panayam.

“May tumayo at nag make-face, (na distract ka?) Oo” malungkot niyang tugon.

Alam din daw talaga niya talaga ang kanyang isasagot.

“Oo naman po, kasi nag prepare naman po ako kahit paano,” pahayag ni Vickie.

Hindi man pinalad na makasungkit ng korona, sinigurado niya na tuloy pa din daw ang kanyang sinimulan na adbokasiya.