Nadine Lustre at James Reid, magbabalik telebisyon na?

Hindi pa man kumpirmado ay napakahitawig na ang direktor na si Jojo Saguin sa pagbabalik ni Nadine Lustre at James Reid sa telebisyon matapos ang dalawang taon mula nang sila ay mapanod sa ‘’Til I Met You’.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/10/2019 9:14 AM
Nadine Lustre at James Reid, magbabalik telebisyon na?


Photo credit: @nadine on Instagram

Hindi pa man kumpirmado ay nagpahiwatig na ang direktor na si Jojo Saguin sa pagbabalik ni Nadine Lustre at James Reid, o kilala bilang JaDine, sa telebisyon matapos ang dalawang taon mula nang sila ay mapanod sa primetime series na ’Til I Met You

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

@nadine was my star of the night. An absolute stunner ❤️✨ #abscbnball2018

A post shared by James Reid (@james) on

 

Ito ay nang mag-magrequest ang isang fan ng panibagong serye mula sa JaDine nitong linggo. Aniya sa isang tweet, “Buti na lang I have complete [On the Wings of Love] series to watch over and over again.

“Direk [Jojo], sana pa-isa uling ganitong serye for them. ‘Yung tipong may mga anak na sila.”

Sagot naman ng direktor, na kabilang sa namuno sa nasabing serye kasama ang mga kapwa direktor na sina Antoinette Jadaone, Dan Villegas, Darnel Villaflor at Francis Pasion, “Yes, soon po. #FingersCrossed”. 

 

Huling nagsama ang JaDine sa pelikula nilang Never Not Love You

Sa ngayon ay nakatakdang bumida si Nadine sa nalalapit na pelikulang Indak kasama si Sam Concepcion. Samantala, umatras naman si James sa proyektong Pedro Penduko dahil sa isang spinal injury. Sa kasalukuyan ay napapanood siya bilang judge sa weekly singing competition na Idol Philippines.