• Home
  • Fresh Scoops
  • Loisa Andalio, ikinuwento ang mga sakripisyo sa pagpapatayo ng bahay

Loisa Andalio, ikinuwento ang mga sakripisyo sa pagpapatayo ng bahay

Ayon kay Loisa Andalio, dumaan sa puntong nagigipit siya sa pera dahil sa gastusin habang pinapatayo ang pangarap na bahay para sa pamilya.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

6/10/2019 9:31 AM
Loisa Andalio, ikinuwento ang mga sakripisyo sa pagpapatayo ng bahay


Photo credit: @iamandalioloisa on Instagram

Sa edad na 19, masayang ibinalita ng aktres na si Loisa Andalio, ang ganap na paglipat ng kaniyang pamilya sa kanilang bagong tayong bahay. Sa interview ni Loisa para sa PUSH No Filter, inalala ng aktres ang estado ng pamumuhay nila noon, bilang walang permanenteng bahay o nakikitira lamang sa kamag-anak.

“Dati kami nakikitira lang talaga kami sa tita ko. E ngayon wala na kami doon, lumipat na kami, una sa salon -- 'di ba nagkaroon ako ng salon, mayroon dun kwarto na isa. So dun sila umuuwi, doon lang sila umuuwi sa salon. 

“Tapos naisip ko, parang hindi naman pwede na dito lang kami sa salon so, dun na, nagpagawa na ako ng bahay para sa kanila," kuwento ni Loisa. 

 

Ayon pa kay Loisa, hindi naging madali ang pagpapatayo ng bahay, bilang siya na rin ang tumayong breadwinner ng kanyang pamilya.

“May time na nasisimutan talaga ako ng pera. As in nasisimot talaga. As in hindi ako makahingi ng pera kay mama kasi alam kong walang pera. Kahit ngayong artista na ako as in nung last year, mga ganon, hindi ako nakakahingi ng pera kay mama, kasi alam kong wala talaga," pahayag ni Loisa na inaming ding pinigilan niya ang paggastos ng mga bagay na hindi niya naman masyado kailangan. 

READ: Loisa Andalio reveals her parents separated last March

Dagdag pa ng aktres, tanging gas ng kanyang sasakyan lang ang naging pangunahing ginagastusan niya noon, dahil nakakakain naman siya sa tuwing may mga taping. 

Sa ngayon, masaya ang aktres at ganap nang may sarili na silang bahay, na may kani-kaniyang na ring mga kwarto. "'Di ko [ito] sinasabing bahay ko - Bahay nila, para sa kanila," ani Loisa. 

Ngayong tapos na ang pangarap na bahay, balak naman ni Loisa ang magtayo ng iba pang mga negosyo para may tuloy-tuloy silang pagkukuhanan ng pera. 

“Kasi sa trabaho ko hindi naman ako sure kung hanggang kailan ako may trabaho e. Kumbaga hindi ko pa din masasabi kung kailan ako may trabaho. So gusto ko, mayroon pa din kaming siguradong pagkukuhaan," paliwanag ng aktres. 

Panuorin ang buong episode ng Push No Filter dito:

Bida si Loisa sa bagong digital series ng iWant na Past Present Perfect, na ayon sa huling ulat ay ang 'most viewed series' ng naturang streaming app.