• Home
  • Fresh Scoops
  • Joshua Colet, naimpluwensyahan ng kaniyang mga magulang sa pag-aartista

Joshua Colet, naimpluwensyahan ng kaniyang mga magulang sa pag-aartista

Bilang anak ng isang matinee idol noong 80s at isang theater actress, tinuturing ni Joshua Colet ang kanyang mga magulang bilang kaniyang mga "acting advisors."

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/10/2019 9:36 AM
Joshua Colet, naimpluwensyahan ng kaniyang mga magulang sa pag-aartista


Photo credit: @joshcolet/ @jennyvicolet on Instagram

Aminado ang Los Bastardos star na si Josh Colet, na ang mga magulang niyang sina Jennyvi at Noel Colet, ang naging inspirasyon niya sa pagsabak din sa pag-aartista. 

Sa interview ng PUSH sa aktor, sinabi niyang 'acting advisors' niya ang mga magulang.

"It runs in the blood talaga tsaka mahal ko talaga ang ginagawa ko.

"Sila yung two main [acting] advisors ko. Kapag may mga kailangan ako, kung may katanungan ako, sila yung una kong tinatanong kung ano magandang gawin dito o ganyan. Tapos nagbe-brain storm kami kung ano magandang sa karakter ko for example. Pag napapanuod nila [ako] sa teleserye tinatanong ko sila kung okay ba yung ginawa ko," pahayag niya.

Isang kilalang matinee idol noong 80's ang ama ni Joshua, habang ang ina naman ay isang aktres sa teatro. Dagdag ng hunk actor, malaki ang natatanggap niyang suporta sa mga magulang kahit noong nagsisimula pa lamang siyang bumida sa ilang commercials.

 

LOOK: ‘Los Bastardos’ stars show off their abs

Bilang isa sa mga aktor na walang permanenteng leading lady, masaya pa rin si Joshua na nagiging malaya siya sa pag-eeplore sa kaniyang karera.

"Ako nagpapasalamat ako kasi gusto ko umangat mag-isa. Respect doon sa mga may ka-loveteam pero sa tingin ko, para sa akin, mas marami pa akong pwedeng i-explore in terms of acting by myself. Kaya masaya ako na bini-build up nila ako as my own name," pahayag ni Joshua.

Bukod sa trending teleserye na Los Bastardos na napapanuod araw-araw sa Kapamilya Gold, naging kilala si Josh sa kaniyang pagganap sa La Luna Sangre at Araw Gabi