Fifth Solomon, matapang na bumwelta sa kanyang basher

Ito ay kaugnay sa kanyang performance bilang host sa ‘Bring 8 On’, ang bagong online series ng sikat na reality show na ‘Pinoy Big Brother’, kung saan sinabihan ng kanyang basher si Fifth Solomon na “pucho-pucho lang”.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/10/2019 5:07 PM
Fifth Solomon, matapang na bumwelta sa kanyang basher


Photo credit: @fifthsolomon on Instagram

Matapang na sinagot ni Fifth Solomon ang kanyang basher matapos siyang sabihan nito na "pucho pucho lang" o small time.

Ito ay kaugnay sa kanyang performance bilang host sa 'Bring 8 On', ang bagong online series ng sikat na reality show na Pinoy Big Brother kung saan unang sumikat si Fifth bilang housemate noong 2014. 

Ani ng basher sa isang komento, "Next season of PBB please... Instead of Pamu [Pamorada], Fifth and Dawn [Chang], sina Sky [Quizon] and Tori [Garcia] na lang ang mag-host ng Bring 8 On para may feelings naman. Baka lang naman. Sina Tori at Sky graduate ng mga Communication Arts courses para hindi naman pucho-pucho lang."

Kalakip ang screenshot ng nasabing komento, agad namang bumwelta si Fifth sa pamamagitan ng kanyang Twitter account nitong nakaraang Linggo.

"Hi Justin, grumaduate po akong Cum Laude sa kursong Bachelor of Arts in Communication. Also flew to Australia nung 2016 para naman sa Masters ko in media," aniya.

"Aside sa hosting, nagdi-director at nagsusulat na rin ako ng pelukila, adbertismo, etc. #PuchoPuchongKomentor," dagdag pa niya.

 

 

Sa panibagong tweet ay nag-bahagi si Fifth ng screenshots ng kanyang mga pictures noong siya ay grumaduate sa Far Eastern University, pati na noong nanalo ang kanyang pelikula na Manibela sa Metro Manila Film Festival (MMFF) noong 2012 bilang Most Gender Sensitive Film. Nagbahagi rin siya ng kuha ng kanyang ID pass bilang estudyante sa RMIT University, isang sikat na public at research university sa Melbourne, Victoria.

 

 

Agad namang nag-move on si Fifth sa pamamagitan ng pag-tweet niya ukol sa susunod na episode ng 'Bring It On'.

"Naku! Hindi pucho-pucho ang kaganapan tonight dahil it's BATCH 4 FIRST EVICTION NIGHT! SSino ang sasalubungin natin mamaya sa outside world! Tutok na team online asa PBb Yt & FB live! #PBB8Batch4FirstEviction," aniya.

Isa sa mga gawa ni Fifth bilang direktor at manunulat ay ang Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka, isang comedy film na pinagbibidahan ni Alex Gonzaga at Vin Abrenica at ipinalabas noong Septyembre ng nakaraang taon. 

Samantala ay napanood si Fifth bilang aktor sa mga pelikulang Halik Sa Hangin (2015) at Just The 3 of Us (2016), pati na sa teleserye na The Good Son noong 2017.