• Home
  • Fresh Scoops
  • Ano ang payo ni Catriona Gray kay 2019 Miss Universe PH Gazini Ganados?

Ano ang payo ni Catriona Gray kay 2019 Miss Universe PH Gazini Ganados?

Goal ngayon ni Gazini Ganados na magkaroon ng back-to-back win ang Pilipinas sa Miss Universe at siya ang salinan din ng korona ni Miss Universe Catriona Gray.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/10/2019 5:32 PM
Ano ang payo ni Catriona Gray kay 2019 Miss Universe PH Gazini Ganados?


Aiming for back-to-back success ang plano ngayon ng bagong Miss Universe Philippines na si Gazini Ganados sa 2019 Miss Universe pageant.

READ: Gazini Ganados itinanghal na Miss Universe Philippines 2019

Kuwento ng 23-year-old Cebuana beauty sa naging panayam ng PUSH at ABS- CBN News sa naganap na coronation night ng Binibining Pilipinas 2019, isang malaking responsibilidad ang maging successor ng former Miss Universe Philippines at reigning Miss Universe na si Catriona Gray.

Kaya naman, maagang preparasyon daw ang kanyang planong gawin.

“We’ve been training. Maybe we will create a walk that would best suit us,” aniya sa panayam.

Bukod sa pasabog na signature walk, patuloy din ang kanyang paghahanda niya para sa Question and Answer portion.

“And (we will work on) the physical appearance and the Q&A, of course. It is very important to be well informed about the things happening around,” dagdag pa niya.

Kapuri-puri din ang kanyang Latina looks, na isa sa mga sinasabi na naging advantage niya sa pagkapanalo ng korona pero para kay Gazini, “I’ll take that as a compliment but it’s not just usually the outlook or your physical appearance; it’s usually what your heart says,”sabi pa niya.

Naging tanong din sa bagong Miss Universe Philippines kung ano ang naging payo sa kanya ni Catriona.

“She just encouraged me that this will be the start, this will be a new beginning. I appreciate it,” pahayag pa niya.

Sa recent Instagram post naman ni Catriona, masaya nitong binati si Gazini at iba pang nagwagi sa Binibining Pilipinas.