• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban, ‘hands off’ sa online bashing na natatanggap ni Carlo Aquino

Angelica Panganiban, ‘hands off’ sa online bashing na natatanggap ni Carlo Aquino

“Hindi kasi kami nag-uusap so wala akong alam,” paliwanag ni Angelica Panganiban nang tanungin tungkol sa natatanggap na pamba-bash sa social media ni Carlo Aquino.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/10/2019 3:43 PM
Angelica Panganiban, ‘hands off’ sa online bashing na natatanggap ni Carlo Aquino


Sa muling pag-pirma ng bagong kontrata sa ABS-CBN, masaya ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban sa pag-aalaga sa kanya ng mother network na pinagta-trabahuhan na niya nang mahigit 26 years.

"Hindi na sila ibang tao sa [akin] kasi parang mga nanay [ko] na sila, mga tatay [ko] na sila. Nakita ka talaga nila simula bata pa, and sila yung mga naging takbuhan mo, hindi ka naman nila - never sila may ginawa para masaktan ka, or mapariwara ka," paliwanag ni Angelica sa interview ng press ngayong araw, June 10. 

May mga nakahain nang bagong proyekto para kay Angelica, pero hindi niya muna daw ito puwedeng pag-usapan sa ngayon. 

"May mga pelikula, hindi ko lang muna [sasabihin] para surprise. Very, very exciting, tsaka makabuluhan," ani Angelica. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 

No matter what I do, all I think about is you

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

 

Sa interview rin sa aktres, sinagot din niya ang mga tanong tungkol sa kontrobersyal na ex-boyfriend at dating ka-love team na si Carlo Aquino. Ayon kay Angge, hindi na niya nakakausap si Carlo at wala na siyang maibibigay na reaksyon sa mga kinakaharap na isyu nito sa ngayon.

"Wala, wala. Hindi siya nag-eexist sa life ko ngayon e. Hindi kasi kami nag-uusap so wala akong alam sa mga nangyayari sa kanya," paliwanag ni Angelica. 

Nang tanungin kung magiging bukas siya sa muling pakikipag-usap kay Carlo, sagot ni Angelica, "Matagal ko nang hinihintay yung explanation niya, sana matagal na niyang ginawa."  

Naging close muli ang aktres sa ex nang gawin nila ang pelikulang Excess Baggage noong 2018 pero nagulat ang lahat nang maging not on speaking terms muli ang dalawa nang ma-link si Carlo sa model na si Tricia Candaza. Maaalalang nabalita ang sagot ni Carlo sa isyu ng kaniyang hinihinalang bagong girlfriend, matapos silang ma-bash online. Dito binitawan ng aktor ang mga salitang, “Walang ibang may kasalanan kundi ako. Sorry sa lahat ng ginawa ko. Kung magagalit kayo. Sa akin kayo magalit."

READ: ‘Sa akin kayo magalit’: Carlo Aquino asks fans to spare rumored girlfriend, others from bashing

Sa ngayon, masaya raw si Angelica sa pagiging single at patuloy ang pakikipag-date o pag-eentertain niya ng mga manliligaw. Wala pa naman din balak ang aktres na pumasok sa bagong relasyon. Natapos ang huling relasyon ni Angelica noong 2016 sa aktor na si John Lloyd Cruz. 

"Someday, not soon kasi ayoko [muna] talaga. Masarap i-enjoy yung relationship with yourself, lalo na kapag na-discover mo yung kung ano talaga gusto mo kung saan ka sasaya," sagot ni Angelica.