• Home
  • Fresh Scoops
  • Aiko Melendez, naki-usap sa mga ‘pumapatay’ kay Eddie Garcia sa social media

Aiko Melendez, naki-usap sa mga ‘pumapatay’ kay Eddie Garcia sa social media

Gumanap bilang anak ni Eddie Gutierrez sa pelikulang 'Rainbow's Sunset' ang aktres na si Aiko Melendez, kaya malapit ito sa veteran actor.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/10/2019 9:46 AM
Aiko Melendez, naki-usap sa mga ‘pumapatay’ kay Eddie Garcia sa social media


Photo credit: @aikomelendez on Instagram (L)

Malapit ang aktres na si Aiko Melendez kay Eddie Garcia. Huli siyang nakatrabaho ng aktres sa award-winning film na Rainbow’s Sunset ng Heaven’s Best Entertainment na ipinalabas sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Sa Rainbow’s Sunset ay gumanap si Aiko na anak ng beteranong aktor na ang role naman ay isang baklang senador.

Ikinagalit ng aktres ang mga nababasa niya sa Facebook na “RIP Eddie Garcia” gayung hindi pa naman pumapanaw ang 90-year old actor na naka-confine ngayon sa ICU ng Makati Medical Center.

Nakiusap din siya sa netizens na huwag namang patayin ang award-winning actor-director.

Post ni Aiko, “Sana people will stop posting misleading news about tito Eddie Garcia. He is still fighting all his chances to live. The best way we can do is wait for the official statement from the family.

“I know how great of a man Tito Eddie is, and we are all eager to know his situation. I myself is just waiting. His last movie and the past movies we made together is something i will cherish for the rest of my life.

Rainbow’s Sunset is something that will forever be etched in my heart. Not only did I worked with a good man but he treated me and the rest of the cast something special.

“So for now laban pa din Manoy! You are loved by many! You are prayed by many! One prayer is powerful. I believe in miracles!”