Vickie Rushton, sure win na sa Binibining Pilipinas?

Sa kanyang pagbabalik, isa si Vickie Rushton sa mga early favorites sa Binibining Pilipinas 2019 candidates.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/1/2019 12:33 PM
Vickie Rushton, sure win na sa Binibining Pilipinas?


Binigyang linaw ng 2019 Binibining Pilipinas candidate na si Vickie Marie Rushton ang maugong na balita na top pick na siya ng Miss International Organization para maging representative ng Pilipinas sa Miss International 2019.

Sa naging panayam ng PUSH at ilang entertainment press kay Vickie sa isa sa mga pageant activities ng Binibining Pilipinas, inamin niya na nakarating sa kanya ang usap-usapan na ito.

“Narinig ko din po ‘yun pero I don’t know if it’s true, but if it’s true thank you so much!” sabi pa ni Vickie sa panayam.

“Takot ako magsabi (Laughs) (But) Thank you so much Miss International Organization,” patuloy pa niya.

Positibo man ang papuri ng Miss International Organization para kay Vickie, hindi pa din siya nagpakampante sa kanyang laban para sa pangarap na korona. Sa katunayan, isa si Vickie sa mga pasok ngayon sa top 10 na nagningning sa preliminary competition suot ang kanyang “Diwata” inspired costume na likha ni Jomar Peralta. 

“Last year kasi I wore a Filipiniana. So this time we decided to use something different, I wanted to wear something different. So it’s my personal choice to wear something in Philippine Mythology so it’s diwata,” paliwanag pa niya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Grateful to have made it to Top 10 for Best in National Costume. ♥️ . Congratulations and thank you to my Kuya Jomar Peralta. Thank you po for putting soooo much effort in making this costume, for traveling back and forth from Pangasinan, for spending sleepless nights just yo meet the deadline, and most of all thank you for allowing me to share my own ideas. 🧚🏻‍♀️ . “This costume pays homage to our artistic tradition - PUKPOK Brass/Tin Smith, a Filipino art done through the tedious hammering (pukpok) of brass, silver, and gold plates. The flowers on the waist are made up of abaca silk ‒ a beautiful blend of silk and abaca fiber which produces a unique sheer and vibrant color. This is Vickie's ode to reviving the local abaca industry in her province that will make a significant impact on the local economy, giving livelihood, employment, and income for many Filipinos. Lastly, the Diwata is holding a reprsentation of a Philippine Eagle with a burning heart that symbolizes strength, resiliency and patriotism of every Filipino people.” Thank you #KFamilia, Tito Rodg, Kuya Rich, Ate Nikka ♥️ . Please help me win the Best in National Costume Award po. 🧚🏻‍♀️ Link in Bio! ✨

A post shared by Vickie Marie Rushton (@vimrushton) on

 

Kasabay ng kanyang pangarap na korona sa Binibini, kasama din sa sumasabay sa kanyang pangarap ang kanyang longtime boyfriend na si Jason Abalos na nagpu-push sa kanya sa kanyang laban.

WATCH: Jason Abalos goes undercover at Bb. Pilipinas parade to support girlfriend Vickie Rushton

“Yes sobra po, actually siya po (Jason Abalos) siya po ang nag- push sa akin na mag join this year, kasi hesistant na ako mag join pero sabi niya ‘Go na parang it’s your last year naman so para wala kang regrets, go na!’ So siya ‘yung full support,” pahayag pa niya.

Sa ngayon, todo sa paghahanda si Vickie at iba pang kandidata para sa nalalapit na coronation night ng Binibining Pilipinas 2019 na mapapanuod ngayong June 9 sa ABS-CBN.