Veteran Comedian Gary Lising, pumanaw na

Sa pamamagitan ng Facebook post ng kanyang kapatid na si Pompeii Lising nakumpirma ang balita ng pagpanaw ni Gary.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

6/1/2019 4:48 PM
Veteran Comedian Gary Lising, pumanaw na


Photo credit: @ Pompeii G. Lising FB

Sumakabilang buhay na ang veteranong komedyante na si Gary Lising.

Sa pamamagitan ng Facebook post ng kanyang kapatid na si Pompeii Lising nakumpirma ang balita ng kanyang pagpanaw.

I am sad to inform some terrible news. We lost our beloved Gary Lising, my eldest brother, today. Gary, thank you for all the laughs and love, we will miss you deeply. But I know that your jokes will make God laugh. Rest in peace my dear brother,” pahayag ni Pompeii sa Facebook post.

Nakilala si Gary sa kanyang walang kupas na adult humor noong dekada 70 hanggang 90s.  Ilan sa mga shows na kinabilagan ng batikang komedyante ang  “Champoy” at ang “Hoy Lising.”

Ilan sa mga kasabayan ni Gary ang mga komedyante na sina Noel Trinidad, Subas Herrero, Mitch Valdez at Tessie Tomas.

Hindi pa tiyak kung saan ilalagak ang mga labi ni Gary na pribado na ang pamumuhay.