• Home
  • Fresh Scoops
  • Loisa Andalio on Maris Racal: ‘Mas hindi namin pina-awkward yung sitwasyon’

Loisa Andalio on Maris Racal: ‘Mas hindi namin pina-awkward yung sitwasyon’

Loisa Andalio, masayang kinuwento kung paano sila nagkaayos ng kaibigang si Maris Racal.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

6/1/2019 12:54 PM
Loisa Andalio on Maris Racal: ‘Mas hindi namin pina-awkward yung sitwasyon’


Photo credit: @iamandalioloisa / @mariesteller on Instagram

Sa Tonight with Boy Abunda, nagkuwento si Loisa Andalio kung paano sila nagkaayos ng isa sa mga malalapit na kaibigan sa showbiz na si Maris Racal. Aniya, “Nag-contact kami sa isa’t isa na wag na lang natin palakihin kasi wala naman talaga tayong problema. Hanggang sa naayos na po talaga.”

WATCH: Loisa Andalio in emotional reunion with Maris Racal

Nag-dinner din sila. “Nagkaroon po kami ng dinner. Tapos biglang naging balik sa normal. Yung parang kUwentuhan… biglang naging okay na po,” dagdag pa ni Loisa.

Hindi na rin daw nila inungkat kung ano ang mga nangyari. “Mas hindi namin pina-awkward yung sitwasyon. Parang walang nangyari… ito tayo, magkaibigan tayo. Ganun pa din,” sabi ng aktres.

Matatandaan na dumaan sa hindi pagkakaintindihan ang magkaibigan. 

READ: Maris to Loisa: 'Kung nami-miss niya ako, meron namang cell phone'
 
Nagkaroon rin ng duet si Maris at Loisa sa birthday concert ni Loisa kung saan ani Loisa, siya ang pumili ng duet piece nila ni Maris. 

Bukod sa pinagdaanang gusot sa pagitan ng magkaibigan, napagitna rin sa isa pang controversy si Loisa ngayong taon at ang natutunan daw niya dito ay, “Wag din magtiwala basta-basta sa mga taog nakapaligid…”

Masyado rin daw kasi naging too trusting si Loisa. Ayon sa dalaga, “Natutunan ko din na wag magtitiwala basta-basta, pero hindi masama maging mabuti.”

Sa mga pagsubok daw ay pinaghuhugutan ng lakas ng akres ang pamilya, kaibigan, fans at ang boyfriend na si Ronnie Alonte. 

Sa tanong naman kung ready na siya para sa mga daring roles ang sagot ni Loisa ay, “Ready ako para sa mas matured na roles. Hindi super sexy. Mas drama, mas may bigat. Mas may karga, mas malalim yung pinanggagalingan.”