• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino, kinailangang mag-stay sa tabing dagat ng Singapore para mawala ang allergens

Kris Aquino, kinailangang mag-stay sa tabing dagat ng Singapore para mawala ang allergens

Sumailalim ng maraming tests si Kris Aquino at kailangan magpahinga muna sa ngayon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/1/2019 11:23 AM
Kris Aquino, kinailangang mag-stay sa tabing dagat ng Singapore para mawala ang allergens


Photo credit: @krisaquino on Instagram

Bihirang mag-post ngayon sa kanyang social media account si Kris Aquino. Huling post niya ay noong May 23, 2019 pa pagkatapos siyang kinunan ng 40 vials ng dugo para sa kanyang medical tests.

“I’ve finished all my tests, had many new specialists check on me. sorry kung madamot ngayon sa details, I’m finally back in our hotel after 4 days of nonstop blood tests, doctor consultations, a CT scan, a 1st 40 minute MRI session, and a 2nd, again 40 minute one with contrast dye.

“My sisters were worried I was getting too much radiation and it was a relief to find out that the MRI test (magnetic resonance imaging) isn’t like the CT Scan or PET Scan that both have high radiation. So that was a relief,” bahagi ng post ni Kris.

Sa dami ng dugong kinuha kay Kris ay kailangan niyang magpalakas nang husto. She is now staying in a hotel sa Singapore na malapit sa dagat para makalanghap ng sariwang hangin o sea breeze.

Malaking tulong kay Kris ang hangin galing sa dagat para pantaboy ng lahat ng kanyang allergens.

Nasilip din ng PUSH ang pictures ng hotel na tinitirhan ni Kris pero hindi dinisclose kung ano ang name nito. Sa photo ay kitang-kita ang magandang view na very near talaga sa tabing dagat.

Ang balita namin ay isang linggong mag-i-stay si Kris sa lugar.

“Pag naka-recover na ko from all the blood they extracted from me, and all the tests I had to undergo I’ll give you all an update. Until then thank you for keeping us in your thoughts and sending us good wishes,” huling post ng Queen of All Media.