• Home
  • Fresh Scoops
  • Pops Fernandez, Martin Nievera magsasama muli para sa concert tour

Pops Fernandez, Martin Nievera magsasama muli para sa concert tour

Inanunsyo ito ng Concert Queen na si Pops Fernandez sa kanyang Instagram account umaga ng Miyerkules kalakip ng isang trailer na nagdedetalye ng kanilang concert dates.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/9/2019 8:12 PM
Pops Fernandez, Martin Nievera magsasama muli para sa concert tour


Photo credit: @martinnievera @popsfernandezofficial on IG

Muling magsasama ang Concert King and Queen na si Martin Nievera at Pops Fernandez para sa isang concert tour sa US at Canada simula itong darating na Agosto hanggang Setyembre.

Inanunsyo ito ni Pops sa kanyang Instagram account nitong umaga ng Miyerkules kalakip ng isang trailer na nagdedetalye ng kanilang concert dates.

Pinamagatang ‘Two-gether Again 2019’, nakatakdang bisitahin nina Pops at Martin ang Atlantic City, Jacksonville, Virginia Beach, at limang lugar sa California: Los Angeles, Santa Ynez, Sacramento, Cabazon, at San Diego. Para naman sa kanilang Canada leg, tutugtog sila sa Las Vegas, Chicago, Vancouver, Calgary, Winnipeg, Toronto at Seattle

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#twogetheragain #martinpopstwogetheragain #martinpopstour2019 #martinpops #popsfernandez #martinnievera #robinnievera

A post shared by Pops Fernandez (@popsfernandezofficial) on