• Home
  • Fresh Scoops
  • Kit Thompson denies he was in a relationship with Pia Wurtzbach

Kit Thompson denies he was in a relationship with Pia Wurtzbach

Kith Thompson, may non-showbiz gf at hindi na-attract kay Pia Wurtzbach.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/9/2019 10:54 AM
Kit Thompson denies he was in a relationship with Pia Wurtzbach


Photo credit: @piawurtzbach on Instagram (L)

Sa Tonight with Boy Abunda, nilinaw ni Mea Culpa cast member Kit Thompson na hindi naging sila ni Pia Wurtzbach matapos itong itanong ng isang netizen sa TWBA. “Hindi,” ani Kit. Hindi rin daw siya naging attracted kay Queen Pia.

Good friends lang daw si Kit at Queen Pia at ipinaliwanag niya kung papaano ito nangyari. “She helped me a lot,” kuwento ni Kit nang i-flash ang mga pictures nila ni Pia kasama ang commercial agent ni Kit.

Dagdag pa ni Kit, “Even though we’re managed by different people, we still help each other. Nagka-hangout lang kami one time and we just…clicked. And kept hanging out even more.”

“Lucky ones” rin ang tawagan ni Pia at Kit dahil noon daw ay nagangrap lang sila pareho na mapunta sa New York, “And one day we were all in New York and wow we’re lucky. That’s why we came up with the lucky ones.”

In a relationship din si Kit at one year and seven months na sila ng kanyang non-showbiz girlfriend. Kung magkakaroon naman daw ng offer ang girlfriend niya to join the business ay hindi ito pipigilan ng aktor.