• Home
  • Fresh Scoops
  • Jodi Sta. Maria on balancing all her commitments: “Set time, and make time, and fight for my time”

Jodi Sta. Maria on balancing all her commitments: “Set time, and make time, and fight for my time”

Ipinaliwanag din ni Jodi kung paano nakakatulong sa kanyang pagiging aktres ang mga natutunan niya bilang isang Psychology student.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/9/2019 2:06 PM
Jodi Sta. Maria on balancing all her commitments: “Set time, and make time, and fight for my time”


Photo credit: @jodistamari on Instagram (R)

Sa kabila ng pagiging isang actress, vlogger, businesswoman, at estudyante, pinaka-priority pa rin daw ni Jodi Sta. Maria ang pagiging mommy sa kanyang anak na si Thirdy. Sa episode ng PUSH Bets Live, ipinaliwanag ni Jodi kung paano niya nakukuhang balansehin ang oras mula sa lahat ng commitments niya.

"[I] set time, and make time, and fight for my time for these things that I do. Of course, ang number one pa rin diyan ang pagiging mommy ko kay Thirdy, kasi yun naman talaga ang top priority," pahayag ni Jodi sa PUSH. 

Sa darating na Mother's Day sa Linggo, planong magsama-sama nina Jodi at Thirdy kasama pa ang ina ng aktres sa isang staycation. 

Anak ni Jodi sa kanyang dating asawa si Thirdy na ngayon ay 14 taong gulang na. Sa ngayon, single ang aktres matapos ang kumpirmasyong hiwalayan nila ng huling boyfriend nitong si Jolo Revilla. 

 

READ: Jodi Sta. Maria, nagulat sa ginawa ng anak na si Thirdy

READ: Jodi Sta. Maria on her relationship status: 'I have been single since last year'

Samantala, sa parehong interview din ng PUSH ay ipinaliwanag ni Jodi kung paano nakakatulong ang kanyang pagiging Psychology student sa kanyang craft na pag-arte. 

"Now that you have a better understanding of human psyche, kapag gagawa ka ng isang role, magagawan mo siya ng back story na justifiable doon sa behavior and actions, and doon sa personality and being ng character na pino-portray mo today," paliwanag ng aktres. 

Bukod sa career sa showbiz ay nag e-excel din si Jodi sa pagiging estudyante. Kamakailan ay ibinahagi niya ang natanggap na Top 2 recognition sa Dean's List ng kanyang college, ang Southville International School.

READ: Jodi Sta Maria dreams of putting up a clinic for people with depression

Panoorin ang buong episode dito:

Samantala, showing na ngayon ang bagong pelikula ni Jodi na Man and Wife kung saan ay kasama niya rin ang mga kilalang aktor at beteranong direktor na sina Gabby Concepcion at Laurice Guillen. 

Bida rin si Jodi sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Mea Culpa: Sino Ang May Sala? na mapapanood gabi-gabi sa Primetime Bida.