Janice De Belen, stage lola sa mga apo kay Igi Boy

Janice De Belen time out muna sa ‘The General’s Daughter’ para maging stage lola sa mga apo.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/9/2019 11:01 AM
Janice De Belen, stage lola sa mga apo kay Igi Boy


Photo credit: @super_janice on Instagram

Sa balita ni MJ Felipe para sa Bandila, proud stage lola si The General’s Daughter actress Janice De Belen nang rumampa ang mga apo niya sa isang summer fashion show sa isang mall sa Pasay.

Ani Janice na doting lola at panay ang kuha ng pictures sa mga anak ni Luigi “Igi Boy” Muhlach, “Sa mga anak ko yata hindi ako naging stage mom. I cannot help it; they’re my grandkids.”

Tinanong din daw ni Janice ang mga apo kung ano ang gusto nila maging ‘pag laki nila at sabi daw ng apo niyang lalaki ay, “I want to be an actor.” At ang apo namang babae ni Janice ay ayaw daw maging aktres kundi, “Maybe a director.” 

Proud lola din si Min Bernardo sa apo at pamangkin ni Kathryn Bernardo na kasama rin sa mga rumampa. Ani Mommy Min, “Siyempre very proud ako. Yung apo sumusunod na sa yapak ni Kathryn.”

Kasama rin sa naturang fashion show ang ilan pang celebrity kids katulad ng mga apo ni Charo Santos; anak ng singers na sina Frenchie Dy at Bituin Escalante; mga anak ni Joel Cruz; anak ni Melissa Ricks at iba pa.