Nagbahagi ng ilang tips at advice ang Kapamilya star at athlete na si Enchong Dee para sa mga botante ngayong darating na eleksyon. Sa kanyang interview sa MYX PH Facebook, ipinaliwanag ng aktor ang kahalagahan ng pagboto at kung paano dapat pumili mula sa mga kandidato.
"Kailangan [nating] bumoto kasi everyone will be affected by the person [who] will win a seat in our government," pahayag ni Enchong kasama ang MYX VJ 2019 finalist na si Aya.
Dagdag ni Enchong, "Akala natin hindi tayo apektado... Hindi po totoo yun, lahat tayo apektado. Kasi kapag binoto mo, o hindi ka bumoto, yung mga tao na hindi karapat-dapat para sa [posisyon], e maghahasik lang ng lagim."
Inihalintulad nina Enchong at Aya ang pagpili ng kandidato sa pagpili ng magiging boyfriend/girlfriend. Ayon sa dalawa, kailangang mag-research at siguraduhing hindi manloloko ang sasagutin.
"Dapat siguro, makatao ka bago ka maka-Diyos. Minsan kasi ang daming tao na pakitang-tao, pero nakakalimutan na tratuhin nang tama yung mga kapwa natin.
"Tapos eliminate mo na yung mga [kandidatong] may history ng pagkakamali," paliwanag pa ng aktor.
Panuorin ang buong video dito:
READ: Enchong Dee on modeling briefs: ‘Hindi siya bastusin’
Kamakailan ay naging aktibo at bukas din si Enchong sa pagbibigay ng suporta sa ilang kandidato sa pagka-senador na ayon sa kanya ay walang bayad at pawang pagkukusa lamang.
Ang swerte ng bansa natin na may kandidato tayong katulad ni Gutoc... it’s time to shine a brighter light to our brothers and sisters in Mindanao. My number 3 is Gutoc for senate. #NotPaid #AkoLangTo
— Enchong Dee (@enchongdee777) March 31, 2019
First name on my ballot 🔘 https://t.co/JDgtHXTTut
— Enchong Dee (@enchongdee777) March 26, 2019