Enchong Dee encourages people to vote on Election Day

Nagbigay ng tips si Enchong Dee kung paano pumili ng kandidatong iboboto sa darating na eleksyon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/9/2019 10:47 AM
Enchong Dee encourages people to vote on Election Day


Photo credit: @mr_enchongdee on Instagram

Nagbahagi ng ilang tips at advice ang Kapamilya star at athlete na si Enchong Dee para sa mga botante ngayong darating na eleksyon. Sa kanyang interview sa MYX PH Facebook, ipinaliwanag ng aktor ang kahalagahan ng pagboto at kung paano dapat pumili mula sa mga kandidato.

"Kailangan [nating] bumoto kasi everyone will be affected by the person [who] will win a seat in our government," pahayag ni Enchong kasama ang MYX VJ 2019 finalist na si Aya. 

Dagdag ni Enchong, "Akala natin hindi tayo apektado... Hindi po totoo yun, lahat tayo apektado. Kasi kapag binoto mo, o hindi ka bumoto, yung mga tao na hindi karapat-dapat para sa [posisyon], e maghahasik lang ng lagim."

READ: ‘Nandito po kami para magpulot, hindi para magpicture’: Enchong Dee, Ria Atayde lead coastal cleanup in Baseco

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

If you see me with my curly hair, don’t ask me if i took a shower... 💈❌

A post shared by Enchong Dee (@mr_enchongdee) on

 

Inihalintulad nina Enchong at Aya ang pagpili ng kandidato sa pagpili ng magiging boyfriend/girlfriend. Ayon sa dalawa, kailangang mag-research at siguraduhing hindi manloloko ang sasagutin.

"Dapat siguro, makatao ka bago ka maka-Diyos. Minsan kasi ang daming tao na pakitang-tao, pero nakakalimutan na tratuhin nang tama yung mga kapwa natin.

"Tapos eliminate mo na yung mga [kandidatong] may history ng pagkakamali," paliwanag pa ng aktor.

Panuorin ang buong video dito:


READ: Enchong Dee on modeling briefs: ‘Hindi siya bastusin’

Kamakailan ay naging aktibo at bukas din si Enchong sa pagbibigay ng suporta sa ilang kandidato sa pagka-senador na ayon sa kanya ay walang bayad at pawang pagkukusa lamang.