• Home
  • Fresh Scoops
  • Binibining Pilipinas 2019 candidate Patricia Magtanong, muntik nang mag-back out sa pageant?

Binibining Pilipinas 2019 candidate Patricia Magtanong, muntik nang mag-back out sa pageant?

Inamin ng kandidata mula sa Bataan na muntik na siya ng umatras sa pagsali sa Binibining Pilipinas.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/9/2019 3:06 PM
Binibining Pilipinas 2019 candidate Patricia Magtanong, muntik nang mag-back out sa pageant?


Mas matamis na mga ngiti ngayon ang bakas sa mga mukha ni 2019 Binibining Pilipinas candidate na si Bea Patricia Magtanong o mas kilala bilang si Patch Magtanong.

Isa kasi si Patch sa 1,800 na nakapasa sa Bar Exams noong 2018 na kasabay ng kanyang pageant journey ngayon sa Binibining Pilipinas.

READ: Kandidata sa Binibining Pilipinas 2019, pasado sa Bar Exams

“I’m so, so totally happy, I’ve finally passed the bar. I could have gone another way. I’m  very, very fortunate that I’ve made it,” sabi ni Patch sa panayam ng PUSH at ABS-CBN News.

 

Aniya, may mga pagkakataon na ayaw na niya sana sumali pa sa prestihiyosong pageant search sa bansa dahil sa pinagdaanang pressure sa exam.

“Muntik na nga ako hindi sumali ng Binibini (Binibining Pilipinas) dahil takot na takot ako sa results, but I took a leap of faith,” proud niyang kuwento.

 

 

At sa tagumpay na nakamit, inalay niya ito sa kanyang mga magulang.

“I’m really happy and I’m really proud. Nakita nila ako, four years akong nag-aral, this is all for them,” aniya.

Nang tatanungin naman kung nakikita ba niya itong edge sa pangarap na beauty queen title, ito ang kanyang naging tugon, “Definitely an advantage but kulang pa, I need to work hard.”

Sa ngayon, todo paghahanda si Patch at iba pang kandidata sa nalalapit na coronation night ng 2019 Binibining Pilipinas sa darating na Hunyo 9 sa Araneta Coliseum. Mapapanood din ang pageant sa ABS-CBN.