• Home
  • Fresh Scoops
  • Sharon Cuneta lists down her top three favorite horror films of all time

Sharon Cuneta lists down her top three favorite horror films of all time

Sharon Cuneta names ‘The Exorcist’ as her favorite horror film.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/8/2019 12:22 PM
Sharon Cuneta lists down her top three favorite horror films of all time


Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni Megastar Sharon Cuneta na pampawala niya ng nerbyos ang horror films. Hindi daw kasi siya natatakot dito kahit noon pa. Paglilinaw pa niya, natatakot naman siya habang pinapanuod niya ang isang horror film pero pagkatapos ay natatawa na daw siya.

Ang una sa top three favorite horror films of all time ni Mega ay, “The Exorcist of Linda Blair.” Pinalabas ito sa mga sinehan noong 1973 at ayon pa kay Mega nabasa niya rin ang libro at marami siyang alam na trivia and facts tungkol sa pelikula. 

Pangalawa para kay Sharon ang, “Omen 2 and then everything in the Conjuring universe.”

Dagdag pa ni Mega, “For some reason, except for Sinister. I like Insidious especially the first one. The first one is always the best and then Conjuring, I like both.” 

Sa horror film naman na Kuwaresma, kung saan bida si Sharon, sinabi ng aktres na nakakatakot ang pelikula mula umpisa hanggang huli at may puso diumano ito.

READ: Sharon Cuneta, umamin na ‘most physically, mentally, emotionally draining’ experience ang paggawa niya ng ‘Kuwaresma’