Sharon Cuneta, bumwelta sa isang basher

Sharon Cuneta replies to a basher.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/8/2019 1:03 PM
Sharon Cuneta, bumwelta sa isang basher


Photo credit: @reallysharoncuneta on Instagram

Kapansin-pansin ang tuluyang pagpapayat ni Megastar Sharon Cuneta nang mag-post siya ng kanyang litrato.

Masaya naman si Sharon sa resultang nakuha niya at sinabing 7lbs pa ang kailangan niyang mabawas upang maabot ang kanyang target weight.

Napansin naman ng isang netizen ang kanyang itsura at sinabing, “You should wear a push up bra. It doesn’t look good. It looks saggy.”

Maayos naman itong sinagot ni Sharon at sinabing, “Not bad. Considering I wasn’t wearing bra here.”

Bida naman si Sharon ngayon sa kanyan first ever horror film na Kwaresma na idinerehe ng award-winning director na si Erik Matti.