• Home
  • Fresh Scoops
  • WATCH: Seve, umiyak dahil sa sobrang pagka-miss sa kanyang mommy Toni Gonzaga

WATCH: Seve, umiyak dahil sa sobrang pagka-miss sa kanyang mommy Toni Gonzaga

‘Nakaka-heartbreak,’ sabi ni Bianca Gonzalez nang makita ang isang video na umiiyak si Seve sa sobrang pagka-miss sa mommy nito na si Toni Gonzaga.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/8/2019 11:57 AM
WATCH: Seve, umiyak dahil sa sobrang pagka-miss sa kanyang mommy Toni Gonzaga


Bumuhos ang pag-iyak ng dalawang taong gulang na anak nina Toni Gonzaga at Paul Soriano sa isang video dahil sa sobrang pagka-miss sa kanyang mommy. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

I got this skirt for 100 pesos only. Link in bio.☝🏻

A post shared by Celestine Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga) on

 

Sa YouTube video ni Bianca Gonzalez noong May 6, naging guest niya si Toni Gonzaga at pinag-usapan nila ang pagbabalanse ng trabaho at personal na buhay. Dito ay sinorpresa din ni Bianca si Toni ng Mother's Day message para sa aktres, mula mismo kina Paul at Seve.

"Happy Mother's Day, Mommy Tin! Seve and I love you so much. We appreciate all the hard work and sacrifice you do for us. You're the best and biggest blessing! We love you," ayon sa sulat.

Matapos basahin ang mensahe ay kinuha naman ni Toni ang kanyang phone at ipinakita kay Bianca ang video ni Seve na umiiyak dahil sa pagka-miss sa kanyang mommy.

"Kanina pinipigilan ko lang kasi may live shows [ako]. Ako lang nag-make up [sa sarili ko], mabubura yung make-up pag umiyak [ako]," paliwanag ni Toni Gonzaga na iniwan ang anak dahil sa kanyang hosting gig sa Pinoy Big Brother.

Panuorin ang buong video dito: 


Magkasama bilang host sina Toni Gonzaga at Bianca Gonzalez sa reality show na Pinoy Big Brother Otso. Mapapanuod sila araw-araw sa Kapamilya Gold at Primetime Bida.