Korina Sanchez, hands-on nanay kina Pepe at Pilar

Inspirado din si Korina Sanchez na alagaan ang kanyang sarili.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/8/2019 11:40 AM
Korina Sanchez, hands-on nanay kina Pepe at Pilar


Extra special ang magiging selebrasyon ng Mother’s Day ngayong taon para sa ABS-CBN broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas.

Kasabay ito ng pagdating ng kanyang cute na kambal na sina Pepe at Pilar na nagbigay sa kanya ngayon ng kakaibang saya bilang isang ina.

Sa naging panayam ng PUSH at ilang entertainment press, ipinasilip ni Korina ang kanyang mga anak sa kanilang tahanan sa Cubao, Quezon City.

Dito, ikinuwento din ni Korina ang mga latest discoveries niya sa kanyang mga anak ngayong mag-iikatlong buwan ng mga ito.

“Pilar is the most patient one. Talagang kahit na gutom na gutom na siya, maghihintay talaga siya ng turn niya,” aniya sa panayam.

“Si Pepe ay hindi, talagang demanding siya. ‘Pag gusto kong kumain, ngayon din ibigay mo sa’kin ang dede ko,” masayang kuwento ni Korina.

Kung tatanungin naman kung kanino nagmana ng mga katanginan ang kanilang kambal, kuwento ni Korina, “Siyempre kami ang mas mababait, so kapag si Pepe nag ii-iyak na kami ni Mar (Mar Roxas) nagtuturuan na kami, ‘Nag-mana sayo ‘yan’ ganun!” masayang tugon ng broadcast-journalist.

At kahit na may mga personal na tagapag-alaga si Pepe at Pilar, hands-on mom pa din ang kanyang role sa kanyang mga anak.

 

“Trained!” proud na kuwento ni Korina.

“Kasi ang abroad, talagang tatlo lang kami sa loob bahay ganyan. Tapos I really wanted to train to take care of them. Kahit mag-isa lang ako, kakayanin,” patuloy pa niya.

Sa usapin naman edad, bakas din sa mga mata niya ang kakaibang saya sa pagdating ng mga anghel sa kanyang buhay.

“Age? It doesn’t really matter. Pero siyempre, wether you’re not 25, or 45 tumigil na tayo sa 45 (laughs) 25 or 45, you have to take care of your health and talagang itong mga batang ito (Pepe and Pilar) talagang inspirado kami na alagaan ang mga sarili namin, and to stay strong,” pahayag pa ni Korina.