• Home
  • Fresh Scoops
  • K-pop group GOT7, nakatakdang bumalik ng Manila para sa kanilang Asia Tour

K-pop group GOT7, nakatakdang bumalik ng Manila para sa kanilang Asia Tour

Muling masisilayan ng Filipino fans ang Korean all-boy group na GOT7 ngayong taon para sa kanilang Manila concert bilang parte ng “Keep Spinning 2019 World Tour”.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/8/2019 4:45 PM
K-pop group GOT7, nakatakdang bumalik ng Manila para sa kanilang Asia Tour


Photo credit: @got7.with.igot7 on Instagram

Muling masisilayan ng Filipino fans ang Korean all-boy group na GOT7 ngayong taon para sa kanilang Manila concert bilang parte ng “Keep Spinning 2019 World Tour”.

 

Sa ni-release na schedule ng entertainment group na JYP Entertainment noong Martes, kasama ang Pilipinas sa listahan ng kanilang concert dates na magsisimula sa June 15 sa Korea. Bukod sa Manila at Seoul, bibisita rin sila sa Canada, California, Australia, Hong Kong, UK, Germany, at France.

Binubuo ng members na sina JB, Mark, Jackson, Jinyoung, Youngjae, Bambam, and Yugyeom, ang GOT 7 ay sikat sa kanilang hits na ‘A’, ‘Just Right’, ‘If You Do’, at ‘Hard Carry’.

Huli silang nag-concert sa Pilipinas noong 2016.

Nakatakdang ganapin ang Manila leg ng kanilang concert tour sa Mall of Asia Arena itong darating na Oktubre 26, 2019.