Fil-Am actor, bibida sa ‘John Wick 3’

Isang Filipino-American martial artist ang bibida sa pangatlong installment ng patok na Hollywood film, ‘John Wick 3’, kasama ang sikat na aktor na si Keanu Reeves.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/8/2019 3:36 PM
Fil-Am actor, bibida sa ‘John Wick 3’


Photo credit: @dacascosmark on Instagram/ Lionsgate Movies' YouTube channel

Isang Filipino-American martial artist ang bibida sa pangatlong installment ng patok na Hollywood film, ‘John Wick 3’, kasama ang sikat na aktor na si Keanu Reeves ngayong taon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Aloha and Happy Tuesday! Photo is from a session with the lovely @patriciastclare 🙏🏽❤️🤙🏽

A post shared by Mark Dacascos (@dacascosmark) on

 

Ito ay si Mark Dacascos na gaganap bilang isang kontrabida sa pelikula. Sa panayam kasama ang ABS-CBN News reporter na si Yong Chavez nitong linggo, sinabi niya na “very proud” siya sa kanyang pagiging isang Pinoy.   

“I’m very proud to be part-Filipino. I’ve done five movies in the Philippines and it is such a beautiful country and so many talented people. I hope that the Filipinos bring that and show that to the world,” aniya.

Pinuri naman siya ng kanyang co-star na si Keanu sa kanyang expertise sa martial arts.

Aniya, “He’s amazing and he’s a real martial artist. He has so much experience in movie fighting.”

Bukod pa kay Mark, bibida rin sa pelikula ang sikat na aktres na si Halle Berry, na nag-aral pa ng martial arts para paghandaan ang kanyang role.

“I would sometimes have to learn the choreo 20 minutes before we actually shot in. But I also find that the pressure sometimes actually helps to get to certain places. You use that fear,” aniya.

Sumikat si Mark matapos gumanap na Mani sa French film na ‘Brotherhood of the Wolf’ noong 2001. Bumida rin siya bilang Toby Wong sa ‘Drive’ (1997) at Ling sa ‘Cradle 2 the Grave’ (2003), at sumabak sa Season 9 ng sikat na palabas na ‘Dancing With the Stars’.

Nakatakdang ipalabas ang ‘John Wick 3’ nitong darating na May 15.