• Home
  • Fresh Scoops
  • Bagong center girl ng MNL48 na si Aly, ibinahagi ang mga dapat abangan sa kanilang grupo

Bagong center girl ng MNL48 na si Aly, ibinahagi ang mga dapat abangan sa kanilang grupo

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/8/2019 10:58 AM
Bagong center girl ng MNL48 na si Aly, ibinahagi ang mga dapat abangan sa kanilang grupo


Photo credit: @mnl48official on Instagram

Sa isang media conference para sa second generation ng all female group na MNL48, ipinakilala ang bagong center girl na si Aly na siyang magiging leader sa pangalawang taon ng grupo.

At dahil baguhan sa kanyang bagong role sa grupo, aminado si Aly na marami pa siyang dapat na matutunan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Congratulations to our new Rank #1 and Center girl, @aly.mnl48official! #MNL482ndGeneralElection

A post shared by MNL48 (@mnl48official) on

 

“Yun nga po the way I talk, the way I face people po, and yung confidence po,” kuwento ni Aly.

Promise naman ng center girl na pagbubitihin niya ang lahat ng mga performance para sa lahat ng kanilang supporters.

 

“Yun nga po for me as the center girl for the second year, it’s a new beginning, the new chapter of MNL48 and I will dedicate this to all of us,” sabi pa ni Aly.

Nagbigay patikim pa si Aly ng mga dapat abangan sa MNL48 sa mga darating na buwan.

“Mga bagong songs po, mga bagong fan clubs, bagong album, costumes, and theater,” pahayag pa ng bagong center girl.

Suportado si Aly ng mga MNL48 members kaya’t positibo ang lahat na mas darami pa ang magmamahal sa kanila.