• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘We enjoy the privacy:’ Jake Zyrus on wedding details with his fiancée Shyre Aquino

‘We enjoy the privacy:’ Jake Zyrus on wedding details with his fiancée Shyre Aquino

Jake Zyrus is also excited to perform again in public, especially with his new vocal sound as transitioned man.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/7/2019 11:19 AM
‘We enjoy the privacy:’ Jake Zyrus on wedding details with his fiancée Shyre Aquino


Photo credit: @jakezyrusmusic on Instagram

Masayang inanunsyo ng international Filipino transman singer na si Jake Zyrus ang nalalapit niyang birthday concert sa May 17 sa Johnny B. Good restaurant sa Makati. 

"I have a concert coming up, and its called An Intimate Evening With Jake Zyrus," pahayag ni Jake sa interview ng PUSH sa naganap na Homecoming Concert ni Gerald Santos noong Sabado, May 4. 

Ayon kay Jake, espesyal ang naturang gig niya dahil sa unang pagkakataon ay magiging guest performer niya ang kanyang Tita. "Dati (noong Charice), parang [tinatawag] ko lang siya mula sa audience. So first time [niya ngayon] na magpeperform," aniya.

Para kay Jake, ito na rin ang pagkakataon para marinig ng kanyang fans ang bagong boses niya bilang transgender man. 

"Yung mga shows na ginagawa more on private events, and the last time na [nag-perform ako sa] TV, parang medyo nasa gitna pa ng [transitioning stage ko].

"So I don't think most people have [already] heard how I sing like kanina [sa Homecoming Concert], that's why you need to watch the show," dagdag niya.

 

READ: Alyssa Quijano opens up about past relationship with Jake Zyrus

READ: Jake Zyrus' "#10YearChallenge" gets commended by netizens

Samantala, ipinaliwanag din ni Jake sa PUSH ang personal na dahilan ng pagpo-propose sa kanyang girlfriend na si Shyre Aquino. "Kaya ako nag-propose sa kanya kasi yun ang parang [paraan ko] letting her know that she's the one, letting her know that she's the one I want to spend the rest of my life with," sabi ni Jake.

Unang na-isapubliko ang engagement status na ito nina Jake at Shyre noong November 2018 sa iWant online show na I Know Right.

READ: Jake Zyrus, engaged na

"Parang masaya kami na sa amin muna. For now, we enjoy yung small little privacy na nakukuha namin," sagot ni Jake nang tinanong kung maaari siyang magbahagi ng detalye sa inaabangang kasal. 

Panuoring ang interview dito: