• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo shares her fascination with men’s clothes

Kathryn Bernardo shares her fascination with men’s clothes

Inamin ng kasalukuyang Metro.Style cover girl na si Kathry Bernardo ang kanyang kakaibang hilig sa pagsusuot ng mga panlalaking damit.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/7/2019 11:08 AM
Kathryn Bernardo shares her fascination with men’s clothes


Photo credit: @bjpascual on Instagram

Trending ngayon sa social media ang ‘90s-themed photoshoot ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo para sa Metro.Style cover. Kasabay ng paglabas ng ilang mga photos ay in-upload din ng sikat na fashion magazine ang behind-the-scene clips at exclusive interview nila kay Kathryn sa kanilang YouTube channel.

 

Sa nasabing video ay binanggit ni Kathryn ang kanyang kakaibang hilig sa pagsusuot ng mga 'panglalaking' damit tulad ng 'oversized blazers' at men's pants.

"Before looking at the women's section, I like going sa men's section especially their oversized blazers.

"And then yung pants nila I'll get the smallest one kasi feeling ko 'yun yung mas gusto kong fit," paliwanag ni Kathryn.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

You can never be too young or too old to start taking care of your body! #MetroBodyIssue2019

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath) on

 

Nang tinanong naman kung paano niya ilalarawan ang kanyang fashion style, "I really appreciate fashion in the ‘80s and ‘90s so ini-incorporate ko siya with my fashion now. Mino-modernize ko nang konti but I like their style before. Very classic, very relaxed, and more of neutral tones," aniya.

Ayon pa kay Kath, maituturing niyang fashion influences sina Olivia Palermo at Kim Jones. 

Panuorin ang buong video dito: