• Home
  • Fresh Scoops
  • Barbie Imperial admits her ‘once a liar, always a liar’ post was for JM De Guzman

Barbie Imperial admits her ‘once a liar, always a liar’ post was for JM De Guzman

Barbie Imperial reveals what made her angry about JM De Guzman’s revelations about their relationship.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/7/2019 11:28 AM
Barbie Imperial admits her ‘once a liar, always a liar’ post was for JM De Guzman


Photo credit: @1migueldeguzman on Instagram (R)

Sa Tonight with Boy Abunda, walang takot na inamin ni Barbie Imperial na si JM De Guzman ang tinutukoy niya nang mag-post siya ng “once a liar, always a liar” matapos ang latest interview ni JM sa TWBA.

Ayon kay Barbie nang tanungin siya kung totoong may kinalaman sa karera ang paghihiwalay nila ng aktor katulad ng sinabi ng aktor sa kanyang interview, “Wala po e.” Pero hindi na ibinigay ni Barbie ang dahilan ng paghihiwalay nila dahil, “Alam ko na kung paano siya ibash ngayon ng mga fans namin, mga haters namin. Para sa akin may pinagsamahan naman kami nung tao. Kaya ko naman na sa akin na lang po.”

Ganunpaman, totoo daw ang sinabi ni JM na hindi niya pinaasa si Barbie. 

READ: JM de Guzman, pinaasa nga ba si Barbie Imperial?

Totoo rin daw na pinursue siya ng actor pero pagka-klaro ni Barbie, “Madami kasi yun, Tito Boy e. Puwedeng pinursue ka niya na seryoso talaga siya. Puwedeng pinursue ka din niya na may iba pala. Puwedeng pinursue ka din niya na parang gusto ka lang niya uli saktan.” Hindi tinukoy ni Barbie kung ano dito ang pag-pursue na ginawa sa kanya ni JM pero ayon sa dalaga, “Basta pinursue naman niya ako, yun na yun.” 

Tanong naman ng King of Talk Boy Abunda sa aktres, “Pero may isang dahilan na nasaktan ka?” At sinagot naman ito ni Barbie ng, “opo.”

Napikon din daw si Barbie nang sabihin ni JM na halos isang buwan lang ang relationship nila. “Dun lang din po ako napikon. Kasi para sa akin lagpas na siya ng isang buwan pero sa kanya pala mag-iisang buwan pa lang.”

Ano naman kaya ang natutunan ni Barbie sa nangyari sa kanila ni JM? Aniya, “Kakabreak ko lang din po nun e kay Paul (Salas). Parang masyadong mabilis. July nung nag-break kami ni Paul tapos si JM lagi talaga siyang nandun para din sa akin e. Pero sinabi naman po namin dati na parang hindi pa siya okay din.”

Pagsusuma ni Barbie sa nangyari sa kanila ni JM, “Dalawang tao na wasak. Tina-try namin pareho na ayusin yung isa’t isa. Buohin ang isa’t isa pero hindi pala puwede yun.” 

Dagdag pa ni Barbie, dapat daw kapag nagmahal ay merong isa na buo para magtagumpay ang isang relationship. “At least merong isang tao na buo. Kasi ang hirap pong wasak ka na nga, tapos wasak din yung aayusin mo. Paano mo aayusin yung sarili mo?” sabi ni Barbie. 

Hindi pa rin kaya ni Barbie na maging magkaibigan sila ni JM sa ngayon. “Ako hindi ko po talaga kaya e. Pero hindi ko po tutuldukan dun kasi hindi ko pa naman po alam ang mangyayari sa mga susunod na araw. Pero sa ngayon po talaga hindi po talaga.” 

“Thankful” pa rin si Barbie kay JM “kasi kung wala din naman si JM hindi ka malo-launch na leading lady. Kasi bumagay kayo e.”

Sa segment na “kiss, kill, marry” sinabi ni Barbie na iki-kill niya ang mga ex na sina Ryle Tan, Paul Salas, at JM De Guzman.