Aicelle Santos confirms wedding to happen this year

Bukod sa ‘Rak of Aegis’, aabangan din si Aicelle Santos sa pagganap niya sa ‘Himala Musical’ ngayong taon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/7/2019 11:13 AM
Aicelle Santos confirms wedding to happen this year


Photo credit: @aicellesantos on Instagram

Masayang inilarawan ni singer Aicelle Santos ang naging karanasan niya bilang isa sa mga Filipino cast members sa kakatapos lang na pagtatanghal ng sikat na musical play na Miss Saigon sa UK. Sa episode ng PUSH Bets Live kahapon, May 6, inisa-isa ni Aicelle ang mga natutunan at nakuha niya mula sa international gig niya.

"It was a holistic journey for me, sa pagiging aktor at singer on stage, marami akong natutunan. Second, yung independence, I enjoyed it.

"And travelling the world, malaking take-home para sa akin," kuwento ni Aicelle.

Gumanap bilang Gigi si Aicelle sa Miss Saigon UK na ginampanan din noon nina Rachelle Ann Go at Isay Alvarez.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Batang may laban. Happy labor day!💪🏽

A post shared by Aicelle Santos 🇵🇭 (@aicellesantos) on

 

Kamakailan lang ay nakasama muli ni Aicelle na mag-perform sa stage ang mga kapwa Filipino Miss Saigon actors niya na sina Gerald Santos, Joreen Bautista, at Leo Valdez. Isa kasi siya sa mga naging guests ng Homecoming Concert ni Gerald noong Sabado, May 4, sa Solaire Theater.

Sa parehong interview din ng PUSH kay Aicelle ay kinumpirma niya ang paghahanda para sa inaabangang kasal sa kanyang TV Journalist fiancé na si Mark Zambrano. 

"Halika, invited kayong lahat, bring your sandwich, bring your chairs," biro ni Aicelle na sinabing ngayong taon magaganap ang kasal.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy Valentine's Day @markzambrano! Mahal na mahal kita!❤️ Love, Your future Wife 📷 @sweet.escape

A post shared by Aicelle Santos 🇵🇭 (@aicellesantos) on

 

Balik sa musical play din ang singer simula July 5 hanggang September. Sa pagdating din ng September ay bibida naman si Aicelle sa isa pang musical play na Himala kung saan ay bibigyang buhay niya ang karakter ni Elsa na unang ginampanan ni Nora Aunor sa orihinal na pelikula.