• Home
  • Fresh Scoops
  • WATCH: Kim Chiu, muntik “mag-walkout” sa It’s Showtime nang asarin kay Gerald Anderson

WATCH: Kim Chiu, muntik “mag-walkout” sa It’s Showtime nang asarin kay Gerald Anderson

Maraming netizen ang muling kinilig sa dating tambalan nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/6/2019 6:12 PM
WATCH: Kim Chiu, muntik “mag-walkout” sa It’s Showtime nang asarin kay Gerald Anderson


Photo credit: @andersongeraldjr (L) | @chinitaprincess (R) on Instagram

Hindi nakaligtas sa tuksuhan ang It's Showtime guest host na si Kim Chiu nang ulanin siya ng pang-aasar nina Billy Crawford, Vhong Navarro at Ryan Bang dahil kay Gerald Anderson na isa sa mga guest judges sa noontime show. Sa episode ng It's Showtime noong Sabado, May 4, pabiro nag-walk out ang aktres dahil sa hindi matigil na pang-aasar sa kanya. 

Nagsimula ang tuksuhan nang mapansin ni Ryan ang masungit na komento ni Kim sa isang contestant ng Bida Man segment. 

"Alam niyo, ang OA niyo, guys. Ang lala niyo," natatawang sabi ni Kim. 

Bilang kapwa guest judge at katabi sa upuan ni Gerald, may panunukso rin si Ruffa Gutierrez kay Kim. "Guys, teka muna, si Gerald pulang pula na rito, nakikita ko katabi ko siya," sabi ni Ruffa na agad namang sinagot ni Kim ng, "Miss Ruffa, mag judge na lang tayo." 

Dahil sa nakakatawang episode, maraming netizens ang muling kinilig sa dating magkatambal na kilala noon bilang KimErald.

Nagsimula ang love team na KimErald sa reality show na Pinoy Big Brother Teen Edition noong 2005. Bumida rin sila sa ilang Kapamilya teleseryes tulad ng Sana Maulit Muli at My Girl

Sa ngayon, si Xian Lim na ang leading man at real-life partner ni Kim Chiu, habang si Gerald naman ay masaya sa girlfriend ngayon na si Bea Alonzo.