Regine Velasquez at Moira Dela Torre, may iringan nga ba?

Kapwa nadala ng emosyon si Moira Dela Torre at Regine Velasquez sa tumitinding audition ng ‘Idol Philippines’.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/6/2019 10:47 AM
Regine Velasquez at Moira Dela Torre, may iringan nga ba?


Photo credit: @moirarachelle/ @reginevalcasid on Instagram

Hot topic sa social media nitong Linggo ng gabi, May 5, ang umiinit na tensyon sa paghahanap ng pinakabagong Idol Philippines.

Kasunod ito ng tila hindi naging pagkakaintindihan ng dalawang hurado nito na sina Moira Dela Torre at Regine Velasquez.

 

Dito, hindi naiwasan ni Regine na ikumpara ang mga nag-o-audition sa tunog at style ng singer na si Moira Dela Torre.

“I liked the song, I liked how you performed it, I like your voice,” ani Regine.

“My problem is, ‘you guys have the same sound’ to me I know it’s current but you sound the same and the thing is, I know you’re making the sound, it’s not something you’re born with. You make the sound. It’s the tone that you make,” sabi pa niya.

Agad naman na dumipensa si Moira. “I understand, ‘yung pinanggagalingan ni Mama Reg, (Regine Velasquez) na ‘yung generation natin, ang daming ganito ang sound,” sabi pa niya.

“But also Mama Reg, gusto kong i-defend si Leann (Idol aspirant) because for me ang dami ko na din nasulat na kanta, ‘yung mga kanta ko pare-pareho ang tunog until I brought it to the studio and i-arrange na,” patuloy pa niya.

Paliwanag naman ni Regine, “No, No I’m not talking about the genre, it’s the voice.”

Bago pa man natapos si Regine sa kanyang paliawanag, mas pinili nalang na lumipat ng upuan ni Moira sa tabi ng kapwa hurado na si James Reid.

Dahil dito, agad na bumuhos ang iba’t-ibang reaksyon ng netizen sa social media.

Ganun pa man, idinaan nalang sa biro ni Regine ang naging komprontasyon nila ni Moira sa Idol Philippines.

 

Agad din naman ito sinagot ni Moira.