• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Barretto at Gerald Anderson, nakaka-relate sa tema ng pagtakas sa pressure sa ‘Between Maybes’

Julia Barretto at Gerald Anderson, nakaka-relate sa tema ng pagtakas sa pressure sa ‘Between Maybes’

May payo din si Gerald Anderson para sa mga napre-pressure dahil sa social media.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/6/2019 11:13 AM
Julia Barretto at Gerald Anderson, nakaka-relate sa tema ng pagtakas sa pressure sa ‘Between Maybes’


Masayang nakipagkuwentuhan sina Gerald Anderson at Julia Barretto sa naganap na media conference ng Between Maybes ng Black Sheep at Star Cinema.

Dito, naibahagi ni Julia na gaya ng kanyang papel sa pelikula minsan na din niyang tinakasan ang pressure sa trabaho na kanya namang nalagpasan.

“…I don’t see myself escaping from it anytime soon or even ten years from now. But I think it’s moments when you need to breathe when you need clarity,” sabi ni Julia.

Si Gerald naman nagbigay ng advice para mabasawan ang nararanas na depresyon na dulot ng sobrang paggamit ng social media.

“Ang number one thing to do  is patayin mo ang social media mo. Mag-deactivate ka muna and really di ba sinasabi natin tumakas or lumayo pero kapag nandoon tayo nagso-social media pa rin tayo,” payo pa ni Gerald.

Masaya din na binalikan ng aktor na no make-up look siya sa lahat ng kanilang eksena sa Between Maybes na nag-shoot sa Saga, Japan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Run away with me .. takas tayo .. #betweenmaybes #may15 @black_sheepph

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr) on

 

“Sa buong pelikula, hindi po ako nag makeup, naka-lip balm lang ako. Kaya ‘pag tinatawag ang make up artist para i-retouch ako, lip balm lang nire-retouch niya. In other words yung makeup artist nagbakasyon lang sa Japan (tawanan),” masayang kuwento ni Gerald.

Ipapalabas ang Between Maybes sa May 15 sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.