• Home
  • Fresh Scoops
  • John Arcilla, nagulat na isa palang ‘tao’ si Sharon Cuneta

John Arcilla, nagulat na isa palang ‘tao’ si Sharon Cuneta

Dream come true para kay John Arcilla ang makatrabaho si Sharon Cuneta.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/6/2019 9:50 AM
John Arcilla, nagulat na isa palang ‘tao’ si Sharon Cuneta


Photo credit: @pelikulamania/ @johnarcilla on Instagram

Dream come true para sa aktor na si John Arcilla ang makatrabaho sa pelikulang Kuwaresma ng Reality Entertainment at Globe Studios si Sharon Cuneta.

Ayon sa kuwento ni John, hindi niya maitago ang excitement nung malaman niya na tinanggap ni Sharon ang project at makakasama niya ito.

Simulang kuwento ni John, “Lahat kami actually ay umaasa na sana ay tanggapin ni Mega. Ganun kami ka-excited lahat sa project. Wala kaming ibang maisip na pupuwede, although may mga kinokonsider sana pero  ini-expect ng lahat mag-yes sana si Sharon, so lahat kami we’re praying.”

Patuloy niya tungkol sa excitement na nararamdan, “Ganito lang yung naisip ko, dadating ako sa set pagkatapos dadating si Shawie sa set at magwo-work kami together. And then, after that, babalik kami pareho sa aming tent.

“Ganun pa lang yung iniisip ko excited na agad ako kasi Sharon Cuneta yan, eh. Diva yan in a positive sense and she earned the title, so ganun na lang katindi sa akin yung excitement.”

Nagkaroon daw ng pakiramdaman sa unang araw ng syuting nila sa Kuwaresma pero saglit lang daw ito.

“Pagdating sa set, eh, medyo pakiramdaman muna. So, first time na bumuka yung bibig ni Sharon at yung bibig ko, hindi na kami natapos magkuwentuhan. So finally I can’t really imagine that I can find a friend in Sharon Cuneta,” sambit ni John.

Eh, kumusta namang katrabaho ang Megastar?

“Kasi si Sharon Cuneta, siya yung isa sa mga aktres na kapag nakasama mo, yung lahat ng kailangan mo bilang isang aktor sa iyong emosyon, sa requirement din sa eksena, makukuha mo na sa kanya. Napaka-generous niya,” paliwanag niya.

Nakakaaliw naman ang naging pahayag ni John na isa pa lang “tao” ang kanyang leading lady.

Aniya, “Hindi ko ini-expect na si Sharon Cuneta pala ay tao. Sobrang sarap kasama ni Sharon on and off the camera, so lahat na lang napag-usapan namin, yung stories sa buhay namin.

“Minsan kahit alam mo na kapag siya yung nagkukuwento parang napaka-refreshing, so ibang klase. Iba kasi yung nalalaman mo lang sa media, iba yung kinukuwento sa ‘yo.”

Para din sa aktor, isang experience of a lifetime ang makatrabaho si Sharon in a movie.

“Isang experience of a lifetime for an actor and an honor for an actor to work with Sharon Cuneta,” wika pa niya.

Showing na sa May 15 ang Kuwaresma na mula sa direksyon ni Erik Matti.