• Home
  • Fresh Scoops
  • Arnel Pineda, binigyan ng payo ang anak na nais maging singer

Arnel Pineda, binigyan ng payo ang anak na nais maging singer

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/6/2019 12:40 PM
Arnel Pineda, binigyan ng payo ang anak na nais maging singer


Photo credit: @arnelpineda2007 on Instagram (R)

Well-applauded si Arnel Pineda sa kanyang performance sa opening ng Hard Rock Cafe sa Pilipinas. 

 

Dito, nagbigay reaksyon si Arnel bilang isang ama sa naging pagsali ng kanyang anak na si Angelo Pineda sa Idol Philippines.

Aniya, hindi niya inakala na may plano ito na sumali sa singing search.

“I thought he was just quiet and trying to finish his studies. Of course, I’m going to support my son. I gave him a few tips,” kuwento ni Arnel sa panayam.

Kuwento pa ng Journey lead vocalist, hindi niya inakala na magtutuloy-tuloy ang interest ng kanyang anak sa pagkanta at bilang tatay din, hindi nawala ang kanyang pagbibigay payo dito.

“I need to give him tips on more emotions, I think that’s what’s lacking. I knew back then that he wanted to sing; I thought it was just a passing hobby but he really wants to sing. Sana mag-succeed siya,” sabi pa ni Arnel.

Bilin pa niya sa anak na huwag ma-pressure sa lahat ng bagay at gumawa ng sariling style.

“I want him to be himself, I want him to have his own brand that’s what I told him. ‘You don’t have to think of another person, just think of yourself. And think of the brand you want to show the people,’” pahayag pa ng international rock band vocalist.

Sa huli, hiling ni Arnel na maging matagumpay ang anak sa pagsubok nito sa pagsunod sa kanyang yapak bilang isang singer.