• Home
  • Fresh Scoops
  • Pagsasama sa isang proyekto ni Daniel Padilla at Charo Santos, matutuloy na ba?

Pagsasama sa isang proyekto ni Daniel Padilla at Charo Santos, matutuloy na ba?

After Bea Alonzo, sino na kaya ang susunod na makakasama sa proyekto ng award winning actress?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/5/2019 12:08 PM
Pagsasama sa isang proyekto ni Daniel Padilla at Charo Santos, matutuloy na ba?


All smiles at proud ang award-winning actress na si Charo Santos nang tanggapin niya ang lifetime achievement awards sa naganap na 67th FAMAS awards.

READ: Nadine Lustre wins Best Actress at the 67th FAMAS Awards

“Siyempre naman nakaka-proud,” masayang tugon ng aktres.

“43 years in the business at ito ang gantimpala na matatanggap ko at nakaka-proud talaga,” patuloy pa niya.

Dito, nagbigay update din si Charo sa napa-balitang pagsasama nila sa isang proyekto ng Kapamilya actor ni Daniel Padilla.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

joyce bernal with Daniel Padilla and Charo Santos

A post shared by MalouSantos 03 (@malousantos03) on

 

“Ahhh may mga inaayos pa, hindi ko alam kung (kailan pwede sabihin) antayin nalang natin,” nakangiting tugon ng aktres.

Sa huli, nagpasalamat din si Charo sa mga nagbigay suporta sa kanyang horror movie na Eerie kasama si Bea Alonzo.

Sa ngayon, marami ang umaasa na sana ay matuloy ang pagsasama sa proyekto ni Charo at Daniel na inaasahan din na hahakot ng parangal.