• Home
  • Fresh Scoops
  • LOOK: Vice Ganda, first time sa gym, naghahanda daw para sa ‘Darna’

LOOK: Vice Ganda, first time sa gym, naghahanda daw para sa ‘Darna’

‘Feeling ko ang payat payat ko na’: Vice Ganda shares clips from his first time at the gym.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/5/2019 11:52 AM
LOOK: Vice Ganda, first time sa gym, naghahanda daw para sa ‘Darna’


Photo credit: @praybeytbenjamin on Instagram

Habang busy para sa kanyang sold-out concert tour, nakakuha ng oras ang Phenomenal Box Office star na si Vice Ganda para mag-work out. Sa kanyang Instagram story kahapon, May 4, ipinakita ni Vice ang ilang clips mula sa kanyang “workout routine,” at may caption pang, “preparing for Darna.”

Sa hiwalay na post naman sa kanyang Twitter account, sinabi ni Vice na ito ang kanyang first time sa gym. "First time kong mag gym!!! Feeling ko ang payat payat ko na. I do not know lang ha!" sabi niya.

 

 

Sa replies ng mga netizens, marami ang naghihinalang naimpluwensyahan ang komedyante ng kanyang rumored partner na si Ion Perez, o mas kilalang Kuya Escort sa It's Showtime

Kamakailan ay naging viral ang ilang larawang na magkasama sina Vice at Ion sa Los Angeles, California habang nasa concert tour na Vice Ganda: Ang Fantastic Concert ng Vaklang Twoooh!

Read: Vice Ganda answers questions about lost love from netizens

Samantala, nakatakda ring magsama para sa isang pelikula sina Vice at It's Showtime co-host nitong si Anne Curtis. 

Read: Anne Curtis, handa na ba makipagsabayan ng comedy kay Vice Ganda?

LOOK: Vice Ganda to release second book