• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Baron Geisler, ikinuwento kung paano siya kinausap ni Coco Martin para sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

EXCLUSIVE: Baron Geisler, ikinuwento kung paano siya kinausap ni Coco Martin para sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Ayaw mangako ni Baron Geisler pagdating sa kanyang probema noon sa paglalasing.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/5/2019 10:37 AM
EXCLUSIVE: Baron Geisler, ikinuwento kung paano siya kinausap ni Coco Martin para sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’


Photo credit: @mr.cocomartin (L) and @baron.geisler (R) IG

Hindi na ikinagulat ng viewers nang makita si Baron Geisler sa longest-running action-drama series ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano. Namatay na kasi ang karakter ni Jhong Hilario sa series at kailangan nila ng ipapalit dito na kasing intense din ng aktor.

“Overwhelmed nga ako sa mga comments sa social media. Nagulat ako na very warm yung pagtanggap nila sa akin,” reaksyon ni Baron nang magkausap kami sa telepono.

Baron is playing the role of Dante in FPJ’s Ang Probinsyano. Kakambal siya ng isang karakter na pinatay noon ng karakter ni Coco Martin na si Ador (ang kakambal ni Cardo) at ipaghihiganti niya ang pagkamatay nito.

Ano ang reaksyon niya na kinuha siya ulit sa Ang Probinsyano?

Kuwento niya, “Ang sabi ni Coco, ‘Bro, tutulungan kita, pero tulungan mo rin ang sarili mo. Ang hinihingi ko lang sa ‘yo, makisama ka lang, maging professional ka lang. Maraming shows ang ABS-CBN, hindi ka mawawala.’”

Eh, ano naman ang sinabi niya kay Coco?

“Sabi ko, ‘Salamat Bro,’” sagot niya sa amin.

Patuloy ni Baron, “Laking pasalamat ko kay Coco na binigyan niya ako ng chance sa Probinsyano. Ito yung chance ko to earn money and to support my wife to be.”

Ayon pa sa magaling na actor, wala siyang ginagamit na sasakyan papuntang taping dahil ibinenta na niya ang Fortuner para pandagdag puhunan sa barber shop business niya sa Cebu.

“Ang bait ng ABS-CBN kasi sinusundo at hinahatid nila ako kapag may taping. Hindi na ako nagko-commute.

“Pakiramdam ko, I’m starting from humble beginnings, from scratch talaga, parang back to basic.

“Naranasan ko noon na maghahagilap ng pera para kumakain. Coming from a well-to-do family, naranasan kong maghirap,” lahad ng aktor.

Sa palagay ba niya ay hindi na magkakaproblema ang production team ng Dreamscape sa pagiging alcoholic niya dati?

“Ayokong mangako, I’m enjoying my job. I feel comfortable under my skin, na-forgive ko na ang sarili ko, wala akong problema kahit kanino.

“Ang hirap pag nangangako, nauunsiyami. Dapat gawin na lang. So far, wala namang negative. Everyday may meditation ako. Sickness na kasi yung pagiging alcoholic ko, eh,” katwiran ni Baron.