• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Compromise, maturity:’ Dani Barretto shares what she has learned from her new married life

‘Compromise, maturity:’ Dani Barretto shares what she has learned from her new married life

Kasalukuyang nasa Osaka, Japan sina Dani Barretto at Xavi Panlilio para sa kanilang honeymoon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/5/2019 11:59 AM
‘Compromise, maturity:’ Dani Barretto shares what she has learned from her new married life


Photo credit: @danibarretto on Instagram

Naging bukas si Dani Barretto sa bagong buhay bilang asawa, sa episode ng Magandang Buhay noong Biyernes, May 3. Ayon kay Dani, sa mahigit isang buwan bilang maybahay, ay natutunan niyang mag-compromise at mag-mature.

"I guess compromise, kasi may kasama ka na sa bahay na lalaki. Kasi kami I was so used to living with girls. We only have one brother kasi and my brother, he would normally compromise sa amin.

"So this time, iba na, ako na yung kailangang mag-adjust sa iba, sa partner ko," kuwento ni Dani habang tinuturuang magluto ng adobo ng mga momshie hosts at fellow guest niyang si Nadia Montenegro.

"And I guess siguro, nag-mature na rin ng konti, kasi may inaalagaan ka nang ibang tao," pahabol nitong sagot.

Kasalukuyang nasa Osaka, Japan sina Dani at Xavi Panlilio para sa kanilang honeymoon. Pagbalik dito sa Pilipinas ay balak ng dalawa na ipagpatuloy ang bakasyon sa beach, dahil dito sila unang nagkakilala ayon kay Dani.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A week ago today. 💍 Lets get married again, @xavipanlilio 😝

A post shared by Dani Barretto-Panlilio (@danibarretto) on

 

 

Read: Dani Barretto marries Xavi Panlilio

Samantala, sa parehong episode din ng morning talk show ay binalikan naman ni Julia Barretto ang naramdaman noong magdesisyong lumipat na ng bahay ang kapatid na si Dani, dalawang taon nang nakakalipas.

"It was painful for me kasi yun yung pinaka fear ko, yung mag-move out si Dani. Lagi kong sinasabi na, 'Wag ka na munang aalis,' but then all of a sudden she left," kuwento ni Julia. 

Ayon pa kay Julia, naging consistent naman si Dani na makipagkita sa kanilang magkakapatid nila Claudia at Leon.

Nitong April 23 ipinagdiwang ang kasal nina Dani at Xavi sa Santuario de San Antonio Parish in Makati City.

Read: ‘None of your business’: Dani Barretto addresses pregnancy rumors

Read: Dani Barretto grateful for the presence of the Legaspi family at her wedding