• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis, ikinuwento kung paano siya sinusuportahan ni Erwan Heussaff sa kanyang mga proyekto

Anne Curtis, ikinuwento kung paano siya sinusuportahan ni Erwan Heussaff sa kanyang mga proyekto

Ibinahagi din ni Anne Curtis kung paano siya nagpapa-alam kay Erwan Heussaff tuwing may bago siyang proyekto.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/5/2019 12:16 PM
Anne Curtis, ikinuwento kung paano siya sinusuportahan ni Erwan Heussaff sa kanyang mga proyekto


Photo credit: @erwan on Instagram

Kasalukuyang nasa Portugal ang It’s Showtime host at aktres na si Anne Curtis para sa kanyang upcoming movie na Just a Stanger kasama si Marco Gumabao.

 

 

READ: Anne Curtis, Marco Gumabao start shooting in Portugal for new film

Bago pa man tumulak para sa shooting ng pelikula, nakapanayam ng PUSH at ilang entertainment press si Anne sa naganap na 67th FAMAS awards ang aktres kung saan siya tumanggap ng special award.

Dito, naitanong kay Anne kung paano siya sinusuportahan ng kanyang mister na si Erwan Heussaff pagdating sa mga ginagawa niyang pelikula.

“What’s amazing about Erwan, what I loved about him is that he’s so open, he loves films. So he knows it’s part of my job, he knows it’s just a role and that’s why I love him even more,” aniya.
 
No limits din daw ang mister ni Anne pagdating sa mga ginagawa niyang mga eksena sa pelikula.

“Wala naman, sobrang okay kay Erwan. Of course ngayon, mas kailangan mag-paalam ipapabasa sa kanya ‘yung script but that’s pretty much it,” sabi pa ni Anne.

Aniya, bilang isang asawa, ipinag-papaalam lahat ni Anne ang kanyang proyekto kay Erwan na lagi naman siyang naiintindihan.

“For me kasi, kahit alam kong okay lang sa kanya, out of respect nalang para sa kanya that I show him the scripts para alam lang din niya what to expect when he watch the film,” pahayag pa niya.

Inaashan na bago magtapos ang 2019, mapapanuod sa big screen ang pelikula ni Anne at Marco Gumabao sa ilalim ng VIVA Films.