• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinoy Films, kinilala sa Worldfest -Houston International Film Ferstival

Pinoy Films, kinilala sa Worldfest -Houston International Film Ferstival

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/4/2019 8:37 AM
Pinoy Films, kinilala sa Worldfest -Houston International Film Ferstival


Photo credit: @fdcpofficial IG

Kinilala ang apat na Filipino films sa ika-52 na Worldfest-Houston International Film Festival na ginanap noong Abril 13 sa WorldFest Remi Awards Gala sa HQ Westin Hotel sa Houston, Texas.
 
Ang period film ng ABS-CBN na “Quezon’s Game” ni Matthew Rosen ay nag-uwi ng Best International Feature at ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 Best Picture na “Rainbow’s Sunset” ni Joel Lamangan ay tumanggap ng Special Jury Prize. 

Ang Cinemalaya 2018 film naman na “School Service” ni Louie Ignacio at ang award-winning short film na “Judgement” ni Raymund Ribay Guttierez ay nanalo ng Gold Remi Awards.
 
Nasungkit din ng “Quezon’s Game” ang Special Jury Award at Gold Remi Awards para sa Best Art Direction at Best Director.
 
Samantala, tumanggap naman ng Gold Remi Award para sa Best Story Innovation ang “Rainbow’s Sunset” screenwriter na si Eric Ramos. 

Pinarangalan din sina Eddie Garcia at Tony Mabesa bilang Best Actors para sa kanilang pagganap sa “Rainbow’s Sunset.”

Labis na pagmamalaki naman ang naging pagbati ng Film Development Council of The Philippines chairperson na si Liza Diño para sa tagumpay na ito para sa Pinoy films.

“It’s always an honor to see our films being represented and given recognition internationally. The victory of Filipino films, filmmakers, and actors in the recent Worldfest-Houston International Film Festival is a big win for us, and we are truly happy that they continue to bring honor to our country and our local film industry” pahayag pa ng FDCP chairperson.

Sa ngayon abala ang FDCP sa nalalapit na pagsisimula ng Pista ng Pelikulang Pilipino year 3.