• Home
  • Fresh Scoops
  • Nicco Manalo, wish makasama sa pelikula ang ama na si Jose Manalo

Nicco Manalo, wish makasama sa pelikula ang ama na si Jose Manalo

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/4/2019 12:16 PM
Nicco Manalo, wish makasama sa pelikula ang ama na si Jose Manalo


Photo credit: @niccomanalo (L) and @certifiedjosenatics (R) on Instagram

Balik independent film ang isa sa mga anak ng Komedyante na si Jose Manalo na si Nicco Manalo sa Tayo Sa Huling Buwan ng Taon ng TBA productions.

Ito ang sequel ng pelikulang Ang Kuwento Nating Dalawa na unang napanuod noong 2015 kasama ang singer actress na si Emmanuelle Vera.

Kuwento ni Nicco, hindi niya inasahan na makakagawa siya ng sariling pangalan sa kabila ng pagiging kilalang komedyante ng kanyang ama na si Jose Manalo.

“Well sa una palang naman po, hindi ko naman sinadya na kumawala. Sabi nga nila hindi mo talaga maiiwasan yun na, ‘You are your father’s son,’” aniya sa naganap na media conference ng kanyang pelikula.

Para sa anak ni Jose, kahit na magkalayo ang genre ng kanilang ama na isang kilalang komedyante, looking forward pa din siya na makasama ito sa isang proyekto.

“Parang mas tumatagal, parang na-eenjoy ko siya in a way na like ngayon, I’m very excited na mabigyan kami ng chance na mag-work together. Mas importante na po sa akin ngayon ‘yun kaysa humiwalay ako ngayon sa shadow niya,” tugon pa niya sa press.

Aniya, utang niya sa kanyang ama ang pagkakataon na nakapasok siya sa mundo ng showbiz.

“Hindi po ako mahihiwalay sa kanya kasi sa kanya po ako galing. Pero kung idi-describe ko mas nag-e-enjoy sa fun time,” pahayag pa ni Nicco.

Mapapanuod ang Tayo sa Huling Buwan Ng Taon ngayong May 8 sa direksyon ni Nestor Abrogena.