• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Perci Intalan, sinabing babae ang mga makaka-pareha nina Paolo Ballesteros, Christian Bables, at Martin Del Rosario sa ‘The Panti Sisters’

EXCLUSIVE: Perci Intalan, sinabing babae ang mga makaka-pareha nina Paolo Ballesteros, Christian Bables, at Martin Del Rosario sa ‘The Panti Sisters’

Sa ngayon, naghahanap na ng mga aktres na gaganap bilang mga kapartner nina Paolo Ballesteros, Christian Bables, at Martin Del Rosario

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/4/2019 11:14 AM
EXCLUSIVE: Perci Intalan, sinabing babae ang mga makaka-pareha nina Paolo Ballesteros, Christian Bables, at Martin Del Rosario sa ‘The Panti Sisters’


Patuloy ang paghahanda ng produksyon ni Perci Intalan para sa inaabangang pagsasama-sama nina Paolo Ballesteros, Christian Bables, at Martin Del Rosario sa kaniyang bagong LGBTQ-themed movie na The Panti Sisters.

Mula sa panayam ng PUSH sa direktor, ikinuwento niya ang mga magiging karakter ng mga nabanggit na aktor at ang magiging ikot ng kwento nito. 

"It's not an extension of Born Beautiful or Die Beautiful. It's a totally different story, this time they play sisters.

"Their father asked them to come back para sabihin sa kanila na puwede nilang makuha ang mana nila, if bibigyan siya ng apo. E because they are all gays, iniisip nila how they're going to do that, pero sayang ang pera kasi lahat sila they need the money," kuwento ni Direk Perci sa PUSH Team sa Cine Expo Manila 2019. 

Gawa nito, ibinunyag ni Perci na ang mga makakapareha nina Paolo, Christian, at Martin ay mga babaeng karakter at hindi lalake. 

"Ang ka-partner nila dito ay hindi lalaki, kundi babae. Kasi maghahanap sila ng babaeng papayag na magsilang ng anak nila," dagdag ni direk.

 

 

 

Family comedy ang genre ng bagong LGBTQ-themed movie ni Perci, kaya't pipilitin nilang maging bukas ang pelikula sa mga batang manunuod. 

"We are really making an effort to be more accessible to families. Kasi what we want to espouse is that, just because a film is an LGBTQ film, it doesn't mean that its against family, or anti-family.

Maaalalang nakatanggap ng R-18 mula sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) ang huling pelikula ni Perci na Born Beautiful na pinagbidahan ni Martin Del Rosario.

Isa sa mga entries ng Pista Ng Pelikulang Pilipino 2019 ang The Panti Sisters. Katulong ni Perci sa paggawa ng pelikulang ito ang kanyang asawa na si Jun Lana bilang Creative Producer.

Read: Direk Perci Intalan, naging ‘personal crusade’ ang paggawa ng LGBT-themed movies

Look: FDCP announces top 3 Pista ng Pelikulang Pilipino finalists