• Home
  • Fresh Scoops
  • Bakit pinapabasa ni Anne Curtis ang film scripts sa asawang si Erwan Heussaff?

Bakit pinapabasa ni Anne Curtis ang film scripts sa asawang si Erwan Heussaff?

May say ba ang asawa ng aktres sa kanyang mga proyekto?

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

5/4/2019 2:56 PM
Bakit pinapabasa ni Anne Curtis ang film scripts sa asawang si Erwan Heussaff?


Photo credit: @annecurtissmith IG (R)

Sa Push Now Na, masaya si Anne Curtis na ikinuwento kay Darla Sauler kung gaano ka-supportive sa kanya ang asawang si Erwan Heussaff. Ani Anne, walang limitations si Erwan sa kanya sa pagtanggap niya ng trabaho ngayong mag-asawa na sila.  “Wala, sobrang wala naman,” aniya. 

WATCH: Push Now Na: Anne Curtis admits getting nervous with her new film collaboration with Vice Ganda

Pero sabi ni Anne nagpapaalam pa din siya kay Erwan, “Of course ngayon, mas kailangan magpaalam, papabasa sa kanya yung script. But that’s pretty much it.”

 

 

Dagdag pa ni Anne, na kahit open ang asawa sa pagawa niya ng mga pelikula at paganap ng iba’t ibang roles ay nirerespeto niya daw ito kaya pinapabasa niya ang script. “Pero for me kasi kahit alam kong okay lang sa kanya, out of respect na lang din sa kanya, I show him the script. Para alam lang din niya what to expect when he watches the films,” paliwanag ni Anne.  

Nang tanungin kung may say ang asawa sa script, sinabi ni Anne na open-minded ito sa maraming bagay. “I think what’s amazing about Erwan and what I love about him is that he’s so open. He loves films, so he knows that it’s part of my job. He knows that it’s just a role, that’s why I love him more,” sabi ng aktres.