Anna Luna, bakit nga ba suki ng indie movies?

Ibinahagi ni Anna Luna ang kanyang dahilan sa patuloy na pagtanggap sa indie movies.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/4/2019 12:24 PM
Anna Luna, bakit nga ba suki ng indie movies?


Photo credit: @annajluna on Instagram

Aminado ang Star Magic talent na si Anna Luna na mas suki siya ng independent films na kadalasan na kanyang pinagbibidahan.

Matatandaan na naging bahagi noon si Anna ng mga pelikulang Citizen Jake at Maestra kung saan nag ningning ang kanyang talento bilang isang artista.

 

 

Muling bahagi si Anna ng mga indie films tulad ng Tayo Sa Huling Buwan ng Taon na sequel ng pelikulang Ang Kuwento Nating Dalawa.

Para kay Anna, ibang saya ang nabibigay sa kanya ng independent films.

“Parehas naman po masaya pero sa indie doon ako mas nakakagalaw. Yung creative side ko mas naibabato ko. Mas collaborative. Kasi kapag sa mainstream po, tulad ng sa mga tapings, nagmamadali kami,” aniya.

Naging bahagi din si Anna ng Kapamilya shows tulad ng Bagani, Hanggang Saan, at ang The Greatest Love.

At ngayong muling nagbabalik sa independent scene, labis na kasiyahan ang nararamdaman ni Anna para sa pagtangkilik ng mga tao.

“Parang may kulto (laughs), may certain movement, may following na talaga kahit yung mga kaibigan ko na hindi naman talaga nanonood ng independent films hindi alam ang ginagawa ko. Sabi ko, ‘Bakit alam nyo saan niyo napanuod?’ kaya nakakataba po ng puso,” pahayag pa ni Anna.

Mapapanuod ang Tayo sa Huling Buwan Ng Taon ngayong May 8 sa direksyon ni Nestor Abrogena.