Loisa Andalio, ni-reveal ang kaniyang childhood crush

Bukod sa childhood crush niyang si Francis Magalona, ibinahagi ni Loisa Andalio ang mga artistang pangarap niya pang makatrabaho.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/31/2019 5:15 PM
Loisa Andalio, ni-reveal ang kaniyang childhood crush


Photo credit: @iamandalioloisa on Instagram/ iamandalioloisa

Ayon sa Kapamilya actress na si Loisa Andalio, tinuturing niyang childhood crush ang sikat na OPM rapper na si Francis Magalona. 

"Sa teacher hindi pa ako [nagka-crush] pero nung bata ako, crush ko si Francis M. Tapos nung napanuood ko siya sabi ko, 'ang pogi pogi niya,'" sagot ni Loisa sa kanyang interview sa Cinema One kahapon, Mayo 30, nang tanungin siya kung naranasan niya bang magkagusto sa taong mas may edad sa kanya.

Isang estudyante na nagka-crush sa kanyang guro ang gagampanan ni Loisa sa bagong digital series na Past Present Perfect. Bilang batang Shantal, nagkagusto ito sa kanyang guro na gagampanan naman ni Vin Abrenica.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

blessed sunday ❤️

A post shared by Loisa Andalio (@iamandalioloisa) on

 

Samantala, sa parehong interview din ay binanggit ni Loisa ang dalawang artista na pangarap niya pang makatrabaho sa industriya.

"Gusto ko, Robin Padilla. Kasi sobrang angas niya, t’saka idol kasi siya ni Ronnie.”

"Sa babae, si Miss Dawn Zulueta. Kasi nung hindi pa ako artista, nanood ako ng ASAP tapos nakita ko siya, sobra akong na-starstruck sa kanya," paliwanag ng aktres. 

Panoorin ang interview dito:

Dagdag pa ni Loisa, isang bagay din na nakaka-relate siya sa kanyang karakter ay ang hindi malaman ang gustong pasuking propesyon sa buhay. 

"Na-feel ko din [si Shantal] kasi parang hindi ko pa rin alam ang gusto ko. Kasi nung hindi pa ako artista, gusto kong maging flight attendant. Pero ngayong artista na ako, hindi [ko] na pala [gusto] kasi parang gusto kong maging teacher sa mga bata (pre-school)," kuwento niya.

Mapapanood si Loisa sa Past Present Perfect sa iWant, simula ngayon Mayo 31. Makakasama rin ni Loisa rito sina Shaina Magdayao at Awra Briguela.