• Home
  • Fresh Scoops
  • 2018 Bb. Pilipinas finalist Sandra Lemonon, bakit umatras sa ‘PBB’?

2018 Bb. Pilipinas finalist Sandra Lemonon, bakit umatras sa ‘PBB’?

Thankful si Sandra Lemonon sa mainit na suporta ng kanyang followers sa pageant man o sa pag-subok sa showbiz.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/31/2019 11:54 AM
2018 Bb. Pilipinas finalist Sandra Lemonon, bakit umatras sa ‘PBB’?


Photo credit: @sandralemonon on Instagram

No regrets ang batch 2018 Binibining Pilipinas finalist na si Sandra Lemonon sa kanyang naging desisyon na mag back-out bilang housemate ni Kuya sa Pinoy Big Brother: Otso.

Isa si Sandra sa mga housemate na papasok sana sa huling batch ng PBB, matapos niyang mag audition sa Starhunt.

“I wanted also sobra, (PBB) I tried so hard, I went to the audition so ayun, I was really excited but you know sometimes life happens, but it’s good preparation for next year,” sabi pa ni Sandra sa panayam ng PUSH at ABS-CBN News.

Aniya, walang panghihinayang sa kanyang personal na naging desisyon na mag back-out nalang bilang housemate.

“Hindi, hindi naman sayang, kasi even though I did not make it sa bahay ni Kuya, I learned so many struggles within me, so I was like learning so much from the experience so I’m so super super happy and humbled to be even chosen person to participate,” positibong sagot ni Sandra.

Thankful din ang beauty queen sa mainit na suporta ng kanyang followers sa pageant man o sa pag-subok sa showbiz.

“Yes naman, I’m also like super sad that I couldn’t participate 100 percent but next year naman and also I’m opening my YouTube channel so I’m super excited,” sabi pa niya.

At kung tatanungin, isa sa mga priorities ni Sandra ngayon ang pag hahanda para sa Binibining Pilipinas 2020 kung saan target niyang sungkitin ang Miss Universe crown.

READ: Sandra Lemonon, sasabak muli sa beauty pageant

“Next year sa Binibini, syempre naman, kasi I’m practicing hopefully I can represent the Philippines one day,” pahayag pa niya.

Matatandaan na noong 2018 Binibining Pilipinas, hinangaan si Lemonon sa kanyang pagiging tapat na kandidata matapos niyang aminin sa Question and Answer portion ng Binibining Pilipinas hindi niya kayang bigyan ng opinyon ang “Build-Build-Build” program ng DPWH (Department of Public Works and Highways)

WATCH: